Like dito sa bagong serye ng Siyete, ang Te Amo na nakatakdang simulan sa January 2004. Kasama si Kier sa isang grupo ng mga spoiled brat na gugulo sa buhay nina Izza Calsado at ang imported Argentinian star na si Segundo Cernadas.
Nakakailang taping days na sina Kier at sa Ternate, Cavite ang madalas na location site ng serye. Good for 26 episodes ang balitang gagawin nila.
Action star Brando Legaspi on the otherhand, is busy doing action movies. Sa ganitong genre siya nalilinya at patuloy na tinatangkilik ng kanyang mga tagasubaybay.
Lead role si Brando sa pelikulang Katumbas Ng Buhay, isang all-out action-suspense movie directed by Baldo Marro.
Ang magkakapatid na Brando, Zoren at Kier ang bagong product endorser ng Pixies Clothing Company, the reason why youll see them wearing this brand of apparell these days. Matatagpuan ang mga outlets nito sa Baclaran at Divisoria at affordable prices.
Pinag-aaralan ngayon ni Zoren ang pagtanggap ng mga sexy roles katulad ng mga ginagampanan ni Albert Martinez. Kahit nga raw si Carmina Villaroel, nanghihinayang sa mga offers na dumarating sa kanya. Okay lang daw kay Mina, for as long as may relevance naman sa istorya, why not?