^

PSN Showbiz

Captain Barbell, pinagsama-sama ang malalaking artista

-
Bihira ang pagkakataon na napagsasama-sama sa iisang pelikula ang malalaking artista ng pelikulang Pilipino. Pero sa official entry ng Premiere Productions sa 2003 Metro Manila Film Festival na released ng Viva Films, nagawa nilang pagsamahin sina Bong Revilla, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Snooky Serna, Rufa Mae Quinto, Albert Martinez and Jeffrey Quizon.

Si Bong na gumaganap bilang Captain Barbell ay hindi na kailangan pang i-elaborate kung anong mga pelikula niya ang tumabo sa takilya. Ganoon din si Ogie na si Enteng sa movie. Bukod sa mga pelikulang nagawa niya, recognized din siya bilang multi-awarded singer/composer na gumawa na rin ng maraming comedy films.

Si Regine naman ay gaganap na Cielo, ang pretty teacher na crush ni Enteng. Siyempre, hindi na kailangang banggitin kung ilang pelikula na ang kanyang ginawa kasama ang malalaking leading man ng pelikulang Tagalog.

Matagal ding hindi napanood si Snooky Serna sa pelikula na gumaganap na si Belen, mother ni Enteng. At isa itong malaking challenge na tanggapin niya ang role bilang mother ni Enteng na sa totoong buhay ay kaunti lang ang diperensiya ng edad nila.

Sila ang mga bida. Pero hindi rin naman nagpahuli ang mga kontrabida dahil kapwa sila malalaking artista.

Una si Rufa Mae Quinto, na gumaganap na si Freezy. Nagagawa niyang yelo ang anumang bagay.

Pangalang kontrabida si Albert Martinez bilang si Lagablab na nakaka-spit ng ball of fire.

Pinaka-huli si Jeffrey Quizon na si Taong Daga sa Captain Barbell na nagagawang impiyerno ang buhay ng ibang tao.

Ang pelikula ay dinirek ni Mac Alejandre kasama sina Sarah Geronimo, Goyong at Carlo Maceda.

ALBERT MARTINEZ

BONG REVILLA

CAPTAIN BARBELL

CARLO MACEDA

ENTENG

JEFFREY QUIZON

MAC ALEJANDRE

METRO MANILA FILM FESTIVAL

RUFA MAE QUINTO

SNOOKY SERNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with