One word naman ang reaction ni Joey sa isyung lihim na pagkikita nila ni Kris. "Saan?" lang ang sabi nito at alam nang hindi totoo ang mga nasulat. Tama ang sinabi ng isang close kay Joey na kung totoo itoy si Kris na mismo ang magbabalita.
Samantala, tuloy ang pagbebenta ni Kris sa bahay niya sa Hillsborough sa may Parañaque. Hindi na nito itutuloy ang balak na tirahan muna ang bahay bago ibenta. Sa Oakwood lilipat sina Kris at anak niyang si Joshuat nagustuhan ng bagets ang lugar dahil nasa baba lang ang Glorietta Mall.
Ipinagmamalaki ni Armida na magagaling ang buong cast bukod sa mahusay ang kanilang director at maganda ang pelikula. Bias daw siya pero, para sa kanyay ang pelikula nila ang pinakamaganda sa mga entry sa Metro Manila Film Festival. Na-control daw ni Director Joel Lamangan ang pelikula pati na ang acting ng cast.
"Pero, hindi niya pinakikialaman ang emotion ng mga artista. Magaling kaming lahat dito at walang maramot sa mga artista at wala ring nale-late sa shooting. Pag si Joel ang director, hindi ka puwedeng ma-late. Tatalakan ka na siyang nararapat because were not suppose to be late," ani Armida.
Sa pakikipag-kuwentuhan kay Tita Midz, nai-plug nito ang release ng kanyang "Pop Lola" album under Viva Records. Binubuo ito ng 12 songs, six English songs at six Tagalog songs kasama ang duet nila ni Fernando Poe, Jr. ng Ang Daigdig Koy Ikaw. Ang ibang kanta sa album ay "Kahit Konti" ni Gary Granada na duet nila ng apong si Cris Villonco; Sinaktan Mo Ang Puso Ko" ni Michael V. "Kahit Na" ni Willy Cruz at "Hanggan" ni Wency Cornejo. Tatlo sa English songs sa album ay ang "Smile", "For All We Know" at "Cant Take My Eyes Of You".
Ayaw pangalanan ni Michael V. ang TV host, napilit lang namin with matching promise na di namin babanggitin kung sino ito. Basta sikat siyang host at may three regular show sa Channel 7.
Speaking of Michael V., muli siyang mapapanood sa Fantastic Man bilang si Prof. James Manalo na nakadiskubre sa power nina Vic Sotto at Ara Mina sa pelikula. Nag-contribute rin siya sa story nitot siya ang nag-design ng costume ni Ara.
"Sinisiguro naming maraming paputok ditot dinagdagan namin ang comedy. Original story itot ngayon palang mapapanood sa local movie ng mga super hero ang power ni Fantastic Man, pagmamalaki ni Michael V.