May nakapagbulong na ang mahiwagang babae na gumamit ng code name at naging sanhi ng malaking pag-aaway nila noon ay siya palang nobya ngayon ng actor-politician na hindi taga-showbiz. Sweet daw ang dalawa kaya malabo nang matupad ang pangarap ng TV host na magkakasundo sila ng actor-politician at pakakasalan siya nito someday.
Matapos ang kanilang paghiwalay ayon pa sa aking source ay tipong seryoso na ang actor politician sa kanyang bagong non-showbiz girlfriend.
May dalawang lovescene sina Priscilla at Joel. Ang Butterflies Are Free ay ipalalabas sa Republic of Malate sa December 12 sa ganap na ika 8:00 ng gabi.
Binusisi mabuti ni Direk Jeffrey Jeturian ang pelikula na umikot ang istorya sa tatlong bidang babae na sina Dina Bonnevie, Cherry Pie Picache at Francine Prieto.
Bilib nga si Robbie Tan sa director dahil pagdating sa makahulugan at artistic films ay nangunguna ito batay sa survey na ginawa sa campus ng ibat ibang unibersidad. Paborito si Jeffrey ng mga estudyante dahil nagustuhan nila ang Pila Balde.
Tiyak na magugustuhan din ang Bridal Shower ng mga manonood ayon pa kay Robbie na ang tema nito ay mala Sex In the City ang dating.
Naniniwala sila na may midas touch si Robbie at sa pamamagitan niya ay mapasikat din ng Seiko si Francine gaya nang ginawa nito kay Priscilla Almeda, Rosanna Roces at Diana Zubiri.
Hindi lang nakakatuksong alindog ang taglay ni Francine kundi ang talino sa pag-arte gaya nang ipinakita nito sa Liberated at ngayon naman ay sa Bridal Shower sa darating na film festival.
Sa Historical Walk idinaos kamakailan bilang pagpaparangal kay Andres Bonifacio ay sinindihan ang magagandang ilaw sa kalagitnaan ng EDSA hanggang sa Monumento at mayroon na itong fountain at shrine ni Dr. Jose Rizal.
Sa maikling talumpati ni Gigi ay binibigyan nito ng halaga ang mga magagandang pagbabago sa lungsod kaya naibalik ang Dangal ng Caloocan.
Bukod sa kanyang Okay Ka Mom sa Channel 5 ay may radio program pa rin ito sa Radyo ng Bayan na pinamagatang Uno Por Dos kasama si Bobby Guanzon at Mayor Malonzo kung saan araw-araw ay tinatalakay ang mga current issues ng bansa gaya ng droga at kidnapping. Itoy mapapakinggan tuwing 10:30 a.m. hanggang 12 n.h. araw-araw.