Worried ang sexy star na baka hindi na maipalabas ang movie niya pero positibo ang pananaw niya na maaaprubahan ito.
Nung Lunes ay nirepaso ito ng Komite at bukas pa malalaman ang resulta. Wish ni Maye na maging maganda ang resulta para maging masaya ang Pasko ng producer niya na ngayon pa lamang nagsisimulang mag-produce ng pelikula. Kapag hindi ito maipalabas ay marami ang magkakaroon ng malungkot na Pasko. Kaya ang approval ng Alipin ang hinihiling niyang Christmas gift.
Pero, walang nangyaring ganito sa dalawang sexy stars dahil kilala na nila ang isat isa since nagkasama na sila sa pelikula. Katunayan open si Belinda sa suggestions ni Maricar na siyang mas senior sa kanila.
First time ito ng Ginebra na magkaroon ng dalawang modelo na makikita sa limang layouts ng mga produktong Ginebra San Miguel, GSM Blue, Vino Kulafu, Gran Matador at ang Corporate Layout.
Makikiparty sa kanya sina Mark Bautista, Dexter, Ashley, 3YO, Tosca Puno, Jason Velasquez at Florie Mae Lucido.
Maganda ang role ni Sarsi sa naturang palabas bilang adoptive mother ni Bea Alonzo kaya excited siya sa palabas.
"Gustung-gusto ko na talagang bumalik sa pag-aartista pero kinailangan pa rin akong kumbinsihin ng manager ko (Tita Angge) ng husto para tanggapin ko ang role. Wala kasi akong lakas ng loob at talagang nahihiya pa ako pero yung urge, matagal nang nandun," ani Sarsi sa isang interview.
Thirteen years na nang huling lumabas sa movie si Sarsi at ito ang Gabi Na Kumander ng Viva starring Phillip Salvador.
May dalawang anak na babae si Sarsi na aniya ay dahilan kaya niya isinakripisyo ang kanyang acting career.
"Pero, wala akong asawa, single mother ako. Okay sa akin kung gugustuhin nilang mag-artista pero, wala silang balak. Parang mas gusto niya yung wala sa limelight," ani pa ni Sarsi.