Kung ang sexy star na si
Aubrey Miles ang featured artist ng
Ginebra San Miguel calendar nung isang taon, dalawang bagong sexy star naman ang kanilang kinontrata para sa taong 2004, sina
Maricar de Mesa at
Belinda Bright na ipinakilala sa formal launch ng
GSM 2004 Calendar na ginanap sa Ratsky sa Tomas Morato.
First time bale ng GSM na mag-feature ng dalawang sexy star in one calendar dahil magsi-celebrate ang GSM ng kanilang ika-170 taong anibersaryo sa susunod na taon.
Ang kilalang photographer na si
Xander Angeles ang kinuha ng GSM para lumutang lalo ang kaseksihan nina Maricar at Belinda na kinunan pa sa Pinto Art Gallery sa Antipolo City. Ayon sa marketing manager ng Ginebra San Miguel na si G.
Ramon Reyes, sina Maricar at Belinda ang nanguna sa survey sa talaan ng mga sexy stars na kanilang pinagpilian kaya naman tuwang-tuwa ang dalawang sexy stars.
"Malaking bagay ito sa amin ni Belinda dahil kilalang-kilala ang Ginebra San Miguel sa buong Pilipinas," ani Maricar na lumipat na sa kwadra ni
June Torrejon mula sa kampo ni
Douglas Quijano. Bilang image models ng GSM, magiging abala sina Maricar at Belinda sa promo tour na isasagawa ng GSM sa buong Pilipinas simula sa susunod na taon.
Nakatakdang bumalik sa darating na Disyembre 15 galing Amerika ang
Malikmata star na si
Rica Peralejo in time sa promosyon ng kanilang
MMFF movie na pinagsasamahan nila nina
Dingdong Dantes, Marvin Agustin, Wowie de Guzman, Ana Capri, Ricky Davao, Nikki Valdez, Shintaro Valdez at Ms.
Barbara Perez mula sa panulat at direksyon ni
Joey Javier Reyes sa ilalim ng
Canary Films.Si Rica ay umalis patungong Amerika nung kalagitnaan ng Nobyembre para sa kanyang 10-city concert tour sa Amerika. Ito bale ang pinakamatagal na byahe ni Rica. Pero bago, umalis ay nakapag-advance taping siya ng kanyang
Rated-R portion sa
ASAP habang absent naman siya sa top-rating sitcom na
Ok, Fine! Whatever!
"2003 was a good year for me at umaasa ako na magtutuloy-tuloy ito sa mga susunod pang taon," asam ni Rica. Ang
Malikmata ang kaisa-isang thriller-suspense movie sa darating na
Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko, Disyembre 25.
Isang proud realty owner at developer na si Mommy
Rose Flaminiano ang humarap sa kanyang napakaraming bisita nung nakaraang Biyernes (Nov. 28) ng hapon sa formal inauguration ng kanyang unang proyekto, ang Rosmont Executive Villa na matatagpuan sa Panampunan, Tarlac City. Dumalo sa nasabing okasyon ang HUDCC Secretary na si
Mike Defensor, ang Pag-Ibig Fund Chairman na si Atty.
Federico Quimpo, si Pampanga Vice-Governor
Mikey Arroyo, ang Tarlac governor na si
Apeng Yap, si Tarlac City Mayor
Aro Mendoza at iba pang mga lokal na opisyales ng nasabing siyudad. Naroon din ang mga celebrities na sina
Joyce Jimenez, Maui Taylor, Dingdong Avanzado at
Renz Verano at sina
Tita Swarding at katotong
Fundador Soriano na siyang tumayong emcee ng pagtatanghal.
Ang Rosmont Executive Villa sa Tarlac City ay nasa loob ng 4 na ektaryang lote na tatayuan ng 220 bahay na mabibili sa mababang halaga lamang mula P1.3-M hanggang P1.7M na available sa in-house financing at sa mga
Pag-Ibig Fund members.
Simula sa mga petsang December 15, 16, 22, 23, 29 at 30, isang kakaibang panoorin ang matutunghayan sa Onstage sa Greenbelt, Makati na pinamagatang
Glow, ang kauna-unahang black theatre musical ni
Douglas Nierras, ang founder at artistic director at choreographer ng
Douglas Nierras Powerdance. Ang
Glow ay isang kakaiba at natatanging black light theater musical na tatampukan mismo ng sikat na
Powerdance with Douglas Nierras bilang over-all director. Si
Aji Manalo ang tatayong musical director, si
Jo Tecson ang production designer, si
Jay Aranda ang technical at lighting director at sina
Eric Pineda at
Liz Batoctoy naman sa mga kakaibang costume.
Ang mga tickets sa magical na pagtatanghal ay mabibili sa halagang P600, P1,000 at P1,200 sa Onstage, Ticketworld, All Media at The Enterprise.
Ang isa sa mga famous character ni
Michael V. sa
Bubble Gang na si
Junie Lee ay nagbunga dahil sa pamamagitan ng character na ito ay muling nagkaroon ng panibagong programa si Michael V., ang
Celebrity Turns, isang kakaibang talk show na may halong entertainment, information at musika na natutunghayan every Saturday evening sa
GMA-7. Co-host ni Junie Lee ang mahusay na mang-aawit na si
Lani Misalucha. Ngayong Sabado ay magiging ispesyal na panauhin ng
Celebrity Turns sina MMDA chairman
Bayani Fernando at ang mga TV hosts na sina
Mel Tiangco at
Bernadette Sembrano. Makakasama rin nila ang kilalang acoustic singer na si
Paolo Santos.