^

PSN Showbiz

Rica,kumanta sa 10 cities sa US!

RATED A - Aster Amoyo -
Kung ang sexy star na si Aubrey Miles ang featured artist ng Ginebra San Miguel calendar nung isang taon, dalawang bagong sexy star naman ang kanilang kinontrata para sa taong 2004, sina Maricar de Mesa at Belinda Bright na ipinakilala sa formal launch ng GSM 2004 Calendar na ginanap sa Ratsky sa Tomas Morato.

First time bale ng GSM na mag-feature ng dalawang sexy star in one calendar dahil magsi-celebrate ang GSM ng kanilang ika-170 taong anibersaryo sa susunod na taon.    

Ang kilalang photographer na si Xander Angeles ang kinuha ng GSM para lumutang lalo ang kaseksihan nina Maricar at Belinda na kinunan pa sa Pinto Art Gallery sa Antipolo City. Ayon sa marketing manager ng Ginebra San Miguel na si G. Ramon Reyes, sina Maricar at Belinda ang nanguna sa survey sa talaan ng mga sexy stars na kanilang pinagpilian kaya naman tuwang-tuwa ang dalawang sexy stars.

"Malaking bagay ito sa amin ni Belinda dahil kilalang-kilala ang Ginebra San Miguel sa buong Pilipinas," ani Maricar na lumipat na sa kwadra ni June Torrejon mula sa kampo ni Douglas Quijano. Bilang image models ng GSM, magiging abala sina Maricar at Belinda sa promo tour na isasagawa ng GSM sa buong Pilipinas simula sa susunod na taon.
* * *
Nakatakdang bumalik sa darating na Disyembre 15 galing Amerika ang Malikmata star na si Rica Peralejo in time sa promosyon ng kanilang MMFF movie na pinagsasamahan nila nina Dingdong Dantes, Marvin Agustin, Wowie de Guzman, Ana Capri, Ricky Davao, Nikki Valdez, Shintaro Valdez at Ms. Barbara Perez mula sa panulat at direksyon ni Joey Javier Reyes sa ilalim ng Canary Films.Si Rica ay umalis patungong Amerika nung kalagitnaan ng Nobyembre para sa kanyang 10-city concert tour sa Amerika. Ito bale ang pinakamatagal na byahe ni Rica.  Pero bago, umalis ay nakapag-advance taping siya ng kanyang Rated-R portion sa ASAP habang absent naman siya sa  top-rating sitcom na Ok, Fine! Whatever

"2003 was a good year for me at umaasa ako na magtutuloy-tuloy ito sa mga susunod pang taon," asam ni Rica. Ang Malikmata ang kaisa-isang thriller-suspense movie sa darating na Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko, Disyembre 25. 
* * *
Isang proud realty owner at developer na si Mommy Rose Flaminiano ang humarap sa kanyang napakaraming bisita nung nakaraang Biyernes (Nov. 28) ng hapon sa formal inauguration ng kanyang unang proyekto, ang Rosmont Executive Villa na matatagpuan sa Panampunan, Tarlac City. Dumalo sa nasabing okasyon ang HUDCC Secretary na si Mike Defensor, ang Pag-Ibig Fund Chairman na si Atty. Federico Quimpo, si Pampanga Vice-Governor Mikey Arroyo, ang Tarlac governor na si Apeng Yap, si Tarlac City Mayor Aro Mendoza at iba pang mga lokal na opisyales ng nasabing siyudad. Naroon din ang mga celebrities na sina Joyce Jimenez, Maui Taylor, Dingdong Avanzado at Renz Verano at sina Tita Swarding at katotong Fundador Soriano na siyang tumayong emcee ng pagtatanghal.

Ang Rosmont Executive Villa sa Tarlac City ay nasa loob ng 4 na ektaryang lote na tatayuan ng 220 bahay na mabibili sa mababang halaga lamang mula P1.3-M hanggang P1.7M na available sa in-house financing at sa mga Pag-Ibig Fund members.
* * *
Simula sa mga petsang December 15, 16, 22, 23, 29 at 30, isang kakaibang panoorin ang matutunghayan sa Onstage sa Greenbelt, Makati na pinamagatang Glow, ang kauna-unahang black theatre musical ni Douglas Nierras, ang founder at artistic director at choreographer ng Douglas Nierras Powerdance. Ang Glow ay isang kakaiba at natatanging black light theater musical na tatampukan mismo ng sikat na Powerdance with Douglas Nierras bilang over-all director.  Si Aji Manalo ang tatayong musical director, si Jo Tecson ang production designer, si Jay Aranda ang technical at lighting director at sina Eric Pineda at Liz Batoctoy naman sa mga kakaibang costume.

Ang mga tickets sa magical na pagtatanghal ay mabibili sa halagang P600, P1,000 at P1,200 sa Onstage, Ticketworld, All Media at The Enterprise.
* * *
Ang isa sa mga famous character ni Michael V. sa Bubble Gang na si Junie Lee ay nagbunga dahil sa pamamagitan ng character na ito ay muling nagkaroon ng panibagong programa si Michael V., ang Celebrity Turns, isang kakaibang talk show na may halong entertainment, information at musika na natutunghayan every Saturday evening sa GMA-7. Co-host ni Junie Lee ang mahusay na mang-aawit na si Lani Misalucha.

Ngayong Sabado ay magiging ispesyal na panauhin ng Celebrity Turns sina MMDA chairman Bayani Fernando at ang mga TV hosts na sina Mel Tiangco at Bernadette Sembrano.  Makakasama rin nila ang kilalang acoustic singer na si Paolo Santos.

vuukle comment

AMERIKA

BELINDA

CELEBRITY TURNS

CENTER

DOUGLAS NIERRAS

GINEBRA SAN MIGUEL

MARICAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with