Pero naroroon naman ang peligro sa pagbusisi mo sa post production. Malaki ang posibilidad na dahil nagtatagal sa laboratoryo, nakokopya naman ang pelikula nang palihim at baka nga bago pa man lumabas sa mga sinehan yan, bago pa man magkaroon ng Film Festival ay may pirated copy na ang pelikula.
Noong nakaraang taon, sa kabila ng paghihigpit nila, napirata rin namang lahat ang mga pelikulang kasali. Pati nga yong mga flop na hindi kumita, pinirata pa.
Kaya nga ang ginagawa nila ngayon diyan sa Filipinas, talaga raw mahigpit ang pagbabantay ng kopya. Walang sandali na naiiwan ang materyales nang walang bantay. Maliwanag nga naman kung mapipirata ang kanilang pelikula, inside job na yon at walang dudang may sabwatan na mismo ang laboratoryo at ang mga tauhan ng production company. Sila lang ang naroroon eh.
Medyo dala na kasi ang Viva sa nangyari sa materyales nila. Isipin ninyo yong nangyari roon sa kopya noon ng Dukot Queen ni Sunshine Cruz, ilang eksena lang ng pelikula ninakaw pa, at walang umamin kahit na bukung-buko na ang pinagmulan ng pirated copy. Eh iyan pa kayang Filipinas ang hindi nakawin?
Ingat na ingat sila dahil napakalaki ng puhunan sa pelikulang iyan, at kung mapipirata sila agad, baka mahirapan na silang maisampa ang puhunan ng pelikula.
Experimental film ang ginawa ni Sharon. Dito sa atin, iba ang dating ng ganyang pelikula sa mga tao. Pero mabigat naman ang casting nila, palagay namin madadala nito ang movie.
Noong una, takot siyang pumasok sa ospital dahil hindi nga niya inaamin na ipinaretoke niya ang kanyang boobs, noong sumasakit na, napilitan na siya.