^

PSN Showbiz

Retokadong boobs ng aktres kailangang alisin na dahil nabubulok na

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Hindi rin masabi ni Direk Joel Lamangan kung magkanong aabutin cost of production ng pelikula niyang Filipinas, kasi hindi pa naman tapos na tapos yan dahil hindi pa sila gumagawa ng kopya. Nasa post production work pa sila at sinasabi nga ni direk, talagang nilinis nila ang pelikula. Kung may makita silang depekto pa, aayusin nila iyon sa post production. Kaya nga raw ayaw nilang madaliin yon. Gusto niyang magkaroon talaga ng oras para sa post production. Talagang binubusisi niya, tutal may oras pa naman.

Pero naroroon naman ang peligro sa pagbusisi mo sa post production. Malaki ang posibilidad na dahil nagtatagal sa laboratoryo, nakokopya naman ang pelikula nang palihim at baka nga bago pa man lumabas sa mga sinehan yan, bago pa man magkaroon ng Film Festival ay may pirated copy na ang pelikula.

Noong nakaraang taon, sa kabila ng paghihigpit nila, napirata rin namang lahat ang mga pelikulang kasali. Pati nga yong mga flop na hindi kumita, pinirata pa.

Kaya nga ang ginagawa nila ngayon diyan sa Filipinas, talaga raw mahigpit ang pagbabantay ng kopya. Walang sandali na naiiwan ang materyales nang walang bantay. Maliwanag nga naman kung mapipirata ang kanilang pelikula, inside job na yon at walang dudang may sabwatan na mismo ang laboratoryo at ang mga tauhan ng production company. Sila lang ang naroroon eh.

Medyo dala na kasi ang Viva sa nangyari sa materyales nila. Isipin ninyo yong nangyari roon sa kopya noon ng Dukot Queen ni Sunshine Cruz, ilang eksena lang ng pelikula ninakaw pa, at walang umamin kahit na bukung-buko na ang pinagmulan ng pirated copy. Eh iyan pa kayang Filipinas ang hindi nakawin?

Ingat na ingat sila dahil napakalaki ng puhunan sa pelikulang iyan, at kung mapipirata sila agad, baka mahirapan na silang maisampa ang puhunan ng pelikula.
* * *
Hindi lang naman ngayon gumawa ng pelikulang comedy si Sharon Cuneta. Marami na siyang ginawang pelikulang comedy talaga, pero sinasabi nga niya na ibang klase ang Crying Ladies, kasi ito ay comedy na may katuturan. Hindi naman niya sinasabing walang kwenta ang mga comedy niya noong araw, pero dahil experimental nga ang kanyang pelikula sa ngayon, talagang naiiba. Comedy pero may tumatakbong seryosong istorya. Naniniwala si Sharon na ang pelikula nila ay makakatulong na makapag-set ng panibagong trend sa industriya. Kung makakapag-set nga ng trend.

Experimental film ang ginawa ni Sharon. Dito sa atin, iba ang dating ng ganyang pelikula sa mga tao. Pero mabigat naman ang casting nila, palagay namin madadala nito ang movie.
* * *
Pumasok sa isang ospital noong nakaraang Martes ang isang female bold star. Ang dahilan, kailangang alisin ang implant na inilagay ng isang cosmetologist sa kanyang boobs noon, na nagkaroon ng problema at tila nabubulok. Kung hindi aalisin iyon, baka nga maging cancer pa ito at ikamamatay niya.

Noong una, takot siyang pumasok sa ospital dahil hindi nga niya inaamin na ipinaretoke niya ang kanyang boobs, noong sumasakit na, napilitan na siya.

CRYING LADIES

DIREK JOEL LAMANGAN

DUKOT QUEEN

FILIPINAS

FILM FESTIVAL

NAMAN

PELIKULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with