Nasa radyo na naman ako !
December 5, 2003 | 12:00am
Tatlong taon na rin kaming wala sa radio pagkatapos ng aming four-year stint sa DWIZ sa pamamagitan ng aming showbiz-oriented program, ang Inside Showbiz with Aster.
Last week, isang surprise call ang aming tinanggap kay May Ceniza ng DZMM at inimbitahan kaming mag-pinch hit sa veteran broadcaster na si Kuya Cesar (Nocum) dahil dalawang linggo itong magbabakasyon sa kanyang mga anak sa Amerika.
At first, hesistant akong tanggapin ito dahil hindi ko alam ang format ng programa ni Kuya Cesar. Kaunting paliwanagan lamang ang nangyari sa amin ni May at sinabi pa nito na magkakasama kami ng ating matagal nang kaibigang si Joey Galvez (na isa ring beteranong broadcaster), hindi na ako nagdalawang salita.
Originally, sinabi sa akin ni May from 11:00 p.m. to 1:00 a.m. pero hanggang alas-2 pala aabutin ang program ani Kuya Cesar.
Gising pa kaya ako sa mga oras na yon to think na hindi ako sanay magpuyat? Katunayan, papunta pa lamang ako ng DZMM ay inaantok na ako, pero nang sumalang na kami ni Joey, nawala na ang aming antok lalo na nang sunud-sunod na ang tawag at text ng mga listeners. Nakakatuwa. Although iba ang format ng programa ni Kuya Cesar, hinaluan namin ito ng talakayang showbiz. Ang mga nakakatuwa pa ay yung mga tawag na nagmumula sa ibang bansa, particularly sa Amerika. Hanggang doon pala ay abot ang DZMM dahil sa TFC o The Filipino Channel.
Sa darating na Sabado, ang inyong lingkod muli ang magpi-pinch hit kay Kuya Cesar pero minus Joey Galvez this time dahil meron siyang ibang commitments. Pero sa tulong ng mga listeners, natitiyak namin na ang tatlong oras ay sobrang napakaiksi tulad ng nangyari sa amin ni Joey nung nakaraang Sabado. I was really privileged to work with Joey na matagal-tagal na ring panahong kaibigan natin tulad ni Kuya Cesar.
Kina Peter Musngi at May Ceniza, maraming salamat sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin. Maraming salamat din kina Arnold at Zaldy, ang mahuhusay na production staff ng DZMM na siyang matiyagang umalalay sa amin.
Alam ba ninyo naka-11 program na si Rica Peralejo magmula nang pumasok siya sa showbiz nung 12 taong gulang pa lamang siya?
Dose-anyos pa lamang si Rica nang siyay mapasama sa Ang TV na kung saan siya nanatili sa loob ng apat na taon. Bukod dito, napasama rin siya sa ibat ibang TV programs tulad ng Palibhasa Lalaki, TGIS, Growing UP, H2K, G-Mik, Okat Tokat na tumagal ng limang taon, Home Along Da Riles, at ang soap opera na Kay Tagal Kang Hinintay at ang dalawa niyang regular TV shows ngayon, ang ASAP at ang weekly sitcom na OK Fine.
Kasalukuyang nasa concert tour sa Amerika si Rica na magdadala sa kanya sa 10 lugar sa Amerika at kasama na rito ang Texas, Virginia, Los Angeles, Las Vegas, San Franciso, Washington, Reno at iba pa.
Sa pagbabalik ni Rica sa Pilipinas sa darating na Disyembre 14 ay sasabak siya agad sa promosyon ng Malikmata kung saan siya mismo ang nasa lead role kasama sina Dingdong Dantes, Marvin Agustin, Ana Capri, Ricky Davao, Wowie de Guzman, Nikki Valdez, Shintaro Valdez at Ms. Barbara Perez.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended