"On air yun kaya po maraming nakapanood. Sinabi nilang lumaki na ang ulo ko, yumabang daw ako, naging mapanglait at kung anu-ano pa. Masakit sa akin yun dahil hindi totoo. Ngayon, kung nagmo-malling ako, marami ang lumalapit sa akin at nagtatanong kung totoong yumabang na ako," ani Tyrone Perez, isang laking probinsya, bunso sa limang magkakapatid at umaasang makakatulong na siya sa pamilya kapag nakalusot siya sa StarStruck.
"Lumapit po naman sila sa akin after the show para mag-sorry. At kaya naman ako nagpapa-interview ay para iklaro ang mga sinabi nila (Yasmien, Jennylyn, Dion, Rainier, Anton at Mark) sa programa nung Nob. 21. Okay na matalo kung hindi ako magaling pero, hindi okay kung matatalo ako dahilan lamang sa mga maling akusasyon," anang isa sa mga hopefuls na sa linggong ito (Dis. 1-4) ay magpapamalas naman ng kanilang talino sa acting.
Pinamagatang Marilous Dream, ang palabas ay may layuning makalikom ng pondo para sa mga proyekto at activities ng Marilou Cervas Agraviador Popera Memorial Foundation, Inc., isang non-profit charitable organization na itinatag to raise awareness and advocacy para sa cancer prevention and to provide support group for cancer patients and families.
Committed din ito na bigyan ang mga kabataan ng educational assistance and skills development at para magsilbing conduit para sa social services at community projects.
Tampok sa Marilous Dream sina Eddie Katindig, John Lesaca at Ivy Violan na ibabahagi ang kanilang mga talento para sa kapakanan ng Marilou Cervas Agraviador Popera Memorial Foundation, Inc.
Ngayong Biyernes, Dis. 5, nasa Robinsons Place siya; SM Lucena (Dis.6 ); Robinsons Metro East (Dis. 7); SM Fairview (Enero 3); SM Southmall (Enero 4); SM North EDSA (Enero 9); SM Bicutan (Enero 10); SM Marilao (Enero 11) at SM Baguio (Enero 24). Guest din siya sa PARI concert sa Dis. 14 sa Glorietta Center Makati at sa Dis. 13, may acoustic concert siya sa Hard Rock Café kasama si Bituin Escalante.
Simultaneous ang finger-painting na magaganap din sa Baguio, Iloilo, Capiz, Cagayan de Oro at Davao. Meron ding nakatakdang City Hall exhibits, MC Home Depot exhibits, sportsfest, design competition, quiz show, national symposium, tree-planting, gift-giving, atbp.
Sa Dis. 14, Linggo, 6 n.g., magaganap naman ang Culmination Night na kung saan pagsasama-samahin at susukatin ang lahat ng mga natapos na finger-painting na pinamagatang Concert at the Wall sa Baluarte Plano, Luneta de Sta. Isabel, Intramuros, Manila. Umaasa ang UAP na mapapabilang sila sa Guinness Book of World Records.
Tumawag sa UAP Secretariat c/o Allan 4126364/4126374/4126403, fax no. 372-1796 o c/o Arnel 4566515/4566495/ 9242403/92442445, fax no. 4566515.
Siya si Rina na isang sikat na singer sa naturang palabas na napapanood sa GMA-7 tuwing Martes at nagtatampok din kina Christopher de Leon, Edgar Mortiz at Johnny Delgado. Tampok din si Pops sa seryeng Twin Hearts.