Albert bilib pa rin kay Snooky
December 4, 2003 | 12:00am
Tahasang sinabi ni Albert Martinez na hanggang sa kasalukuyan, malaki pa rin ang kanyang paniniwala sa kahusayan at kagalingan bilang aktres ng dating ka-loveteam niyang si Snooky Serna. Si Snooky ay naka-partner ni Albert sa Habang Kapiling Ka kung saan nakamit nito ang kanyang award bilang Best Actress sa nakaraang PMPC Star Awards for TV.
Ayaw na ni Albert na maiugnay pa ang pangalan niya kay Snooky bilang dating boyfriend. Aniya, "Pareho na kaming may mga pananagutan na. Si Snooky ay may Ricardo Cepeda na at ako naman ay may Liezl. Hindi naman selosa ang asawa ko, naiintindihan niyang trabaho lang ang pinagsasamahan namin ni Snooky. Lalo pa ngat asawa ko rito sa Captain Barbell si Snooky. Anak namin dito si Ogie Alcasid (Enteng) at alter ego nito bilang Captain Barbell si Bong Revilla, Jr.
"Pagkatapos nito, gagawa pa ako ng pelikula na kung saan ako mismo ang actor, producer at director. Hindi ko pa alam ang title pero early January 2004 ito," sabi ni Albert.
Plano palang mag-Pasko ni Albert pati na ng pamilya niya sa Amerika kaya lang medyo pino-problema nito yung kanyang mga schedule sa parada at gabi ng parangal. "Mahirap magdesisyon pero pag-iisipan naming mag-asawa para naman makatikim na ng bakasyon ang buong pamilya ko!" pagtatapos ni Albert. Boni A. Casiano

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
56 minutes ago
56 minutes ago
Recommended