Naiintriga ang sumisikat na young actress na ito dahil ito raw ang gumagastos sa kanyang nobyong aktor. Kapag lumalabas ang dalawa at kumakain sa restoran ay ang aktres ang balitang nagbabayad pati na ang pagbili ng mga gamit nito.
Dahil dito ay sinasabing unti-unti nang nauubos ang perang naiipon ng young actress sa bangko. Dinidedma na lang ng magandang aktres ang intriga tungkol sa kanya dahil idini-deny niya ang mga paratang. Madalang pa kasi sa patak ng ulan ang mga project ng nobyo.
Kaya tuloy naiimbyerna sa aktres ang kanyang manager dahil sa pagiging bulagsak nito sa pera.
Zsazsa, Kinakabahan Pa Rin |
Binigyan ng original tape si
Zsazsa Padilla ng isang Chinese song na ipinarinig nito sa media at sinabing gagamiting theme song ng
Mano Po 2. Inamin ng aktres na nagdasal siya na sanay makuha agad ang tamang pag-awit sa takot na baka magpaulit-ulit siya ng ensayo hanggang maubos ang kanyang boses. Pero hindi naman nagkaganun at sa halip ay napakaganda ng kinalabasan ng awitin.
Kontrobersyal ang role ni Zsazsa bilang pangalawang asawa ni Antonio Chan, isang Intsik na ginampanan ni
Christopher de Leon. Angel, Di Na Kinakausap Si Chynna |
Nagkaroon ng intriga sa pagitan nina
Angel Locsin at
Chynna Ortaleza dahil tinawag ng huli na paranoid si Angel. Nasaktan ako dahil nakarating sa akin ang sinabing ito ni Chynna at pag sinabing paranoid ay may psychological disorder ang isang tao, di ba? Hindi naman totoo ang balitang minura ko siya. Siguro mas makabubuting huwag ko na lang siyang kausapin para maiwasan ang gulo, anang young actress.
Ayaw nang magpaapekto sa intriga ngayon ni Angel dahil ang prioridad nito ay ang career. Kasama siya sa
Mano Po 2 at
Kuya ng
Regal Entertainment at balak siyang ilunsad sa pagiging ganap na bituin ni
Mother Lily. Ang pangarap ni Angel ay maging si
Dysebel dahil magaling siyang swimmer o kundi man ay sumabak sa aksyon.
Naniniwala si
Rudy Fernandez na ang piracy ang pinakamalaking dahilan kung bakit nananamlay ang pelikulang Tagalog. Kaya karamihan sa mga artista ay nasa telebisyon na tulad niya. Matapos ang
Daboy En Da Girl ay nasa teleserye naman siya ng
Twin Hearts katambal si
Pops Fernandez. Nalulungkot nga ito dahil sa pamimirata ay humina ang pelikulang Tagalog lalo nat may home cable na ang mga manonood.
Tinanong namin ang aktor kung hindi ba siya papasok uli sa pulitika. Bahala na kung dumating ang araw na iyun. Pero ang mahalaga ay gusto ko pa ring maglingkod sa aking mga kababayan balang araw, aniya.
Naging guest kami sa paanyaya ni Undersecretary
Robert Rivera ng Office of the Presidential Spokesperson ng Malacañang sa programang
Pilipinas Ngayon kasama si
Atty. Espiridion Laxa na ang naging paksa ay tungkol sa paghahandang ginagawa ng
Metro Manila Film Festival. Makabuluhan ang isang oras na hosted by USEC Rivera,
Dr. EG Ong kung saan tinatalakay ang talino ng mga Pinoy, kultura at ang mga kaganapan sa bansa. May lively discussion na nauukol din sa business, leisure economy at entertainment. Binubuo ito ng apat na segment gaya ng GNP (Governance and Policies): Bizzness Chat; Picture Perfect at Tinsel Town.
Itoy mapapanood tuwing Lunes ganap na 5:30-6:30 p.m. sa
IBC 13.