Ito ang naging konsensus matapos na mabalitang kinakausap ng ABS CBN ang Taiwanese actress na si Barbie Xu, ang umagaw ng puso ng mga Pinoy dahilan sa madamdamin niyang pagganap sa dalawang serye ng Meteor Garden at dahilan na rin sa napakaganda niyang pakikiharap sa mga Pinoy sa dalawang beses niyang pagdalaw sa bansa.
Diumano ay pagagawin ng isang lokal na teleserye si Barbie at ang itatambal sa kanya ay si Piolo Pascual bagaman at kung ako ang tatanaungin ay mas bagay sila ni Diether Ocampo who is the local version of Jerry Yan, ang gumanap bilang Daomingsi sa MG.
Anuman ang maging resulta ng kanilang negosasyon, inaasahan ng mga manonood ng TV na maging matagumpay ang Dos sa pagkuha ng serbisyo ng aktres na Chinoy.
Fannys make over kit carries an array of local and imported brands. Gamit na niya ito sa 40 taon niya sa industriya ng pagpapaganda. Ang pagkakaroon ng sarili niyang line of cosmetics ay magpapaligaya sa marami niyang clients na binubuo ng mga beauty queens, fashion models, mga taga-alta sosyedad, mga artista, mula kay Celia Rodriguez hanggang kay KC Concepcion, atbp.
Ang Fanny Serrano By Fashion 21 Cosmetics ay nagtataglay ng mga color pigments na bagay sa mga Pinay. Lahat nito ay subok na at napatunayang hypoallergenic at wala ni munti mang irritants. Kasama rito ang eye shadow, lipstick, blush-on, cake foundation, 2-way cake, concealer at brushes. Mabibili ang mga ito sa SM, Watsons, Robinsons, Landmark, Sta Lucia at iba pang dept. stores.
Ang pagdiriwang ay pinamumunuan ni Mayor Rey at Gng. Gigi Malonzo. Ang Unang Ginang ng Lungsod na si Gng. Malonzo na siya ring namumuno ng kultura at turismo ng bansa sa tulong ng Pangalawang Punong Lungsod na si Tito Varela ang nag-konsepto ng pagdiriwang. Naging panauhing pandangal si Comelec Chairman Benjamin S. Abalos, Sr., na nanumpa sa harapan ng monumento ni Bonifacio na bibigyan niya ng isang malinis at mabilis na halalan ang bansa. Sinabi niya na bago mag-alas 12 n.g. magkakaroon na ng resulta ang halalan, mula pangulo hanggang konsehal.