Next year sabay-sabay na darating ang F4

Matagumpay ang Happy 50 TV, The Concert ng ABS-CBN na ginawa sa Bonifacio Global City (The Fort) noong Sabado. Full-packed ang show at sold out ang tickets. Isa na yata ‘yun sa masasabi kong pinaka-organized na concert event na napuntahan ko. Halos wala kang hirap sa pagpasok at paglabas ng venue sa dami ng entry at exit points. Wala kaming kahirap-hirap ng fashion designer-friend kong si Angelo Estera sa pagpasok sa Gold Gate (Studio 23). Hindi ka rin magugutom while waiting dahil nagkalat ang food stall sa loob ng venue.

As early as 12 noon ay bukas na ang 11 gates na puwedeng pasukan. Sa ABS-CBN News Update ay madalas na inaanunsyo ang bawat pagdagsa ng tao. Eksaktong ala-sais ng gabi ay nagkaroon ng special screening ng Ang Tanging Ina ni Aiai delas Alas. Ito ay nagsilbing entertainment sa mga taong naghihintay before the show proper.

Ilang minuto bago tuluyang magsimula ang show ay lumantad si John Lapus sa stage at inaliw ang tao. Kuwela si John sa kanyang mga antics considering na impromptu pala ‘yun at bigla lang siyang isinalang sa pakiusap ng staff ng show. John was there para sa kanyang One Sweet Day segment sa The Buzz.

Si Aiai ang nag-open ng show. Naka-harness ito at talaga namang pinalakpakan ng tao. Si Aiai rin ang naging main host ng show at talaga namang kayang-kaya niyang dalhin ang crowd. Alam n’yo ba na naka-ilang costume changes si Aiai? Everytime na lalabas siya sa stage ay iba ang costume niya.

Nagkaroon ng song number ang The Hunks. Tiliang walang humpay ang kababaihan nang kantahin ni Piolo Pascual ang "Kailangan Kita".

Performer talaga si Vina Morales. Sa totoo lang, muli kaming pinahanga ng singer-actress sa kanyang very powerful number.

Muling pinatunayan ni Claudine Barretto na nakakakanta talaga siya. Very cool ang number nila ni Carlos Agassi. Nag-perform din sina Andrew E., Michael "Josh" Santana, King, Divo at Michele Ayalde.

Hindi na pinatagal pa at agad nang isinalang ang magkapatid na Barbie at Dee Zu. Hindi nagpa-sweet ang mga ito bagkus, mga rock songs nila ang kinanta. Panay ang hiyaw ng dalawa ng "I love Philippines!"

After Barbie and Dee’s number, agad nang isinalang si Vic Zhou. Ayun, naging unruly na ang crowd. Tayuan, hiyawan at may ilan na naluluha pa. Nagbigay ito ng tatlong kanta na mereseng hindi naiintidihan ng crowd ay hiyawan ang mga ito. Malaking tulong ang apat na wide screens na ikinalat sa venue.

When it was Jerry Yan’s turn, lalong naging unruly na ang crowd. Nagbigay din ito ng 3 songs na karamihan ay mga hit songs niya.
* * *
Pami-pamilya naman ang mga celebrities na nakita kong nanood. Halos kumpleto ang pamilya nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto. Kasama nila ang kanilang mga anak at pamangkin. Nasa front seat naman si ABS-CBN boss Charo Santos-Concio at mga anak. Nakita ko rin si Star Cinema boss Malou Santos, Olive Lamasan, Ben Chan at marami pang celebrities na nanood at dahil malaki ang venue ay hindi ko na nakita.

Kinumpirma naman that night ng isang ABS-CBN insider na early next year ay buo na ang F4 na babalik sa Pilipinas para magkaroon ng isang full-lenght concert.
* * *
You can send your comments and reactions to ericjohnsalut@ yahoo. com.

Show comments