Isang architect si Ariel sa Canada before siya naging singer. Hindi pa noon aware si Ariel sa maganda niyang boses. Dito lamang daw sa bansa niya nalaman na marunong pala siyang kumanta. Na-discover siya ni Mr. Vehnee Saturno nang marinig siyang kumakanta sa videoke kasama ang ilang mga kaibigan. Inalok siya nito na mag-recording.
Sa loob ng 12 years, pinatunayan ni Ariel ang kanyang musical artistry. Hanggang ngayon ay isa pa rin ito sa in-demand sa hanay ng mga male singers natin.
Sa bago niyang album na may pamagat na "Ariel Rivera In My Life", tiyak na magmamarka ito ng bagong milestone sa kanyang ever-flourishing career. Tampok dito ang carrier single na "Tell Me" na unang kinanta ni Joey Albert, at pinagdwetuhan nila ni Regine Velasquez na napakalakas ng benta sa mga record bars. Hindi ko maiwasan na itanong kung di ba ito pinagselosan ng kanyang asawa?
"Actually masaya si Gelli sa duet namin ni Regine. Alam mo naman na hindi lahat nabibigyan ng chance na makatrabaho si Regine, kaya on my part bonus ito, kita mo naman ang response ng tao, grabe," paliwanag ni Ariel.
Pero magugustuhan din ng mga listeners ang iba pang cut sa album tulad ng "Narito," "You," "Before You," "You Are," "Mamahalin," "Love is the Answer," "Ibulong Mo Sa Hangin," "Maghintay," at ang "In My Life" na pamagat ng album na release ng BMG Records.
Napaka-private na tao ni Ariel kaya hanggang maari ay ayaw niyang gumawa ng movie dahil madalas daw ay nagagawan ng intriga ang mga artista. Pero pumayag siyang maging kontrabida sa TV soap na Narito Ang Puso Ko bilang Amoroso na madalas isigaw sa kanya ng mga tao sa mall tour nito. Masaya si Ariel sa kanyang kontrabida role. "Nagsawa at na-bore na rin kasi ako sa mga lead role na tipong mababait. At least as Amoroso challeging ang role, at napapaglaruan ko yung character," kwento ni Ariel.