Robin,Judy nagdedmahan sa taping
December 2, 2003 | 12:00am
Maraming nakapansin lately na parang perfect strangers sina Robin Padilla at Judy Ann Santos sa taping ng Bastat Kasama Kita. Ayon sa aming source, naghaharap at nag-uusap ang dalawa kung nasa harap sila ng kamera pero pagkatapos kunan ang kanilang eksena ay kanya-kanya na silang sulok na pinupuntahan.
Maraming nagsasabing epekto ito ng malaking kontrobersya na nag-uugnay sa dalawa na lalong pinag-init sa pagpapa-interview ng asawa ni Binoe na si Liesel Sicangco sa TV ilang linggo na ang nakaraan.
Maraming fans ni Juday din ang natutuwa dahil matitigil ang intriga sa kanilang idolo na ayon sa kanila, hindi sila naniniwala na magawa ng aktres ang pumatol sa may asawang lalaki. Kailan man ay hindi naapektuhan ang mga tagahanga sa mga nega issue sa kanilang idolo dahil alam nilang may nagmamaniobra sa pagbagsak ng kanilang idolo pero malakas ang kanilang paniniwala kaya come what may, sabi nila susuporta pa rin sila sa aktres.
Pagkatapos ng Mano Po 2 ay posibleng sisimulan na ng aktres ang pelikula nito sa Viva Films kung saan makakasama sina Regine Velasquez at Aga Muhlach. Posibleng mga eksena muna ng aktres ang kukunan at saka na iyong magkakasama silang tatlo. Tulad ni Aga Muhlach na kailangan tapusin muna ang shooting ng movie nila ni Kristine Hermosa at si Regine naman, ng kanyang mga singing engagement.
Posibleng isusunod agad dito ang movie na makakatambal ni Juday ang baguhang si TJ Trinidad na siyang present crush ngayon ng mga Judinians at marami-rami na rin sa mga dating Juday-Piolo fans. Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
21 hours ago
By Salve Asis | 21 hours ago
21 hours ago
By Boy Abunda | 21 hours ago
21 hours ago
By Gorgy Rula | 21 hours ago
Recommended