Ikatlong project na ito ni Dawn na ang director ay si Joel Lamangan. Ayon sa aktres ay nag-mellow na si direk bagamat may pagkakataon na naninigaw ito pero hindi sa kanilang mga artista kundi sa kapalpakan ng ibang bagay.
Anim na taon bago nasundan ang pelikula ng magandang aktres at noong unang humarap sa kamera ay kabado siya.
Kumusta naman si Anton bilang asawa?
"Seloso si Anton pero ganoon din naman ako kaya lang ngayon ay hindi na ako selosa. Kahit nga gusto niyang dumalaw sa set paminsan-minsan ay di ako pumapayag. Konserbatibo ang pamilya ni Anton kaya siguro seloso pero mabait naman ito at mapagmahal. Siya nga ang nagsasabi na huwag akong ma-pressure kung wala pa kaming anak. Darating din daw yon kapag kaloob na ng Diyos," aniya.
Hindi ba siya nahirapang makapag-adjust sa buhay nang piliing manirahan sa Davao? tanong namin.
"Madali naman akong nakapag-adjust dahil I have a lot of friends doon. Marami rin naman akong napaglilibangan gaya ng charitable projects at nalilibang din sa paggawa ng mga household chores gaya ng pagluluto, paglilinis ng bahay at pamimili sa grocery. Happy ako," aniya.
Magiging abala sa promosyon ng Filipinas si Dawn at baka dito na sila mag-spend ng Christmas sa bahay ng kanyang father-in-law.
Ang GUSI Peace Prize Award ay ipinagkakaloob sa mga tao o grupong nagsilbing magandang halimbawa sa ibat ibang sector ng ating lipunan tungkol sa pagkakaroon ng kapayapaan at respeto para sa dignidad ng isang tao. Ikalawang taon na itong ginagawa sa bansa. Ang prime mover nito ay ang internationalist at Philippine civic leader na si Hon. Barry Gusi na siyang Chairman of the Board at dating Honorary Ambassador ng Marianas.
Pinarangalan si FPJ sa taong ito kasama ang labing-lima pang awardees sa larangan ng cinematic-arts advocacy. Mula noong 60s to the 90s ay gumawa ng mga pelikula si FPJ na nagpapamalas ng talento di lang sa pagganap kundi sa pagiging screenwriter, director at producer. Wala rin itong sawa sa pagtulong sa kapwa niya artista.
Ayon kay Chairman Gusi, baka sa isang taon ay makapunta ng Pilipinas ang mga sikat na sina Sophia Loren at Tom Cruise na tatanggap ng award na nauukol sa sining.
Ayon sa beteranang aktres ay hindi natatapos ang pagbibigay-gabay nito sa anak pero hindi na siya nakikialam sa buhay nito. "Maligaya siya sa piling ng kanyang pamilya at matatag na rin ang kanilang kabuhayan. Mabuting asawa si Albert (Martinez) at good provider kaya masaya ako para kay Liezl," aniya.
Inamin ni Amalia na umiikot ngayon ang kanyang mundo sa mga apo. "Pinasusundo ko sila kapag nami-miss ko na sila at nagsa-shopping kami. Ang tawag nila sa akin ay "Lola" at hindi ko ito ikinahihiya," ani Nena.
Kahit sa pagbibiyahe ng aktres sa ibat ibang panig ng mundo ay ang mga apo pa rin ang gustong kasama.
Marami tuloy ang naghihinala na baka hindi na ito "virgin" dahil sa laging nakabukaka. Lumipat na ang magandang TV host ng ibang network at visible ngayon sa mga shows.