Di pala ako in love kay Vic Zhou !

Kumpara sa naunang konsyerto ng dalawang myembro ng F4 na sina Ken Zhou at Vanness Wu na walang kasing-gulo at hindi naisip ilagay sa ayos ng mga producers, napaka-orderly ng Happy 50 TV Concert na kung saan naging tampok naman ang itinuturing na pinakasikat na myembro ng Tsinong kwartet na sina Jerry Yan at Vic Zhou. Bagaman at kasama sa concert ang mga sikat na artists ng ABS CBN na sina Aiai delas Alas, Hunks, Vina Morales, Bayani Agbayani, Claudine Barretto, atbp, ang dalawa ang talagang dinayo ng napakaraming manonood na bagaman at nagtitili ay di nawala at napilitang hangaan ang dalawang poging kabataang artista ng Taiwan sa isang napaka-disente at tahimik nilang pamamaraan. Maski na yung katabi kong si Ciara Sotto ay nagkasya na lamang sa pagsigaw bilang welcome sa dalawa at pagkatapos ay natulala na lamang.

I was hoping na ganun din ang maging reaksyon ko. Mahigit ding isang taon kong inalagaan ang inaakala kong love ko kay Vic Zhou na ilang libong beses ko nang paulit-ulit na pinanonood sa Meteor Garden.

Parang nanakot pa akong nagsabi na kapag di ako nakatanggap ng tiket para sa show mula sa Dos ay di ko na sila papansinin, magkalimutan na kami! Salamat na lamang at di ako umabot sa ganito. Di lamang ako ipinasok ni Rikka Dylim, isa sa PR ng ABS CBN sa The Fort na kung saan ipinalabas ang concert, matiyaga pa rin niya akong hinintay para ako maipasok sa venue. Late ako dahil kinailangan ko pang iwan ang mga anak ko sa Star City na kung saan nag-celebrate ng 3rd birthday niya ang aking apo. Naintindihan nila ako. Alam, nila na Vic Zhou fanatic ako. Yung anak kong babae ang bumili ng mga VCD at DVD ko ng Meteor Garden.

Ang dami ng nanood. Masigla nilang sinalubong ang magkahiwalay na performance ng dalawa. Habang kumakanta si Vic, hinahanap ko yung excitement na nadarama ko kapag nahaharap ako sa mga hinahangaan ko, tulad nina Christopher de Leon at Chad Borja pero, wala, hindi ko makita. Dun ko na-realize na wala pala akong love kay Vic Zhou, in love pala ako sa character na ginampanan niya sa Meteor Garden, kay Huazelei na isang perfect friend and suitor. Feeling ko nga, unfair yung ginawa kong pag-iwan sa pamilya ko sa karnabal at yung halos ay pagtatampo ko sa Dos dahil di nila ako pinadalhan ng libreng tiket na tulad ng ginawa nila sa maraming entertainment writers.

Ang daming nainggit kay Aiai dahil panay ang yakap nito sa dalawa. Bilib naman ako sa mga mabibigat na headdress na ginamit niya sa show.

Nagpapasalamat ako na walang mga security sina Vic at Jerry na pumapalo sa mga nagtatangkang kumamay sa kanila tulad sa mga konsyerto nila sa Hongkong at Jakarta.

Mahigpit din yung mga sikyu nila rito pero, mayroong mga nakakawala at nakaakyat ng stage at nakapagpakuha ng picture sa kanila.

No doubt gwapo ang dalawa, except po na talagang di sila marunong ng ibang language matangi sa Chinese language. Mabuti na lamang at mayroong nag-translate ng mga spiels nila. Sana may nagsabi sa kanila na it’s a no-no dito sa ating bansa ang mag-lip synch sa concert, na ginagawa lamang ito sa mga TV promo. Kawawa naman yung mga nagbayad ng malaki. Andun ang mga local artists para sagipin sila pero, talagang ang dinayo ng tao ay ang dalawa. Katunayan, okay sa kanila kung ano man ang gawin ng dalawa. Feeling ko, parang ang mahalaga lamang ay nakita nila sa personal ang dalawa, wala ng iba.
*****
Ang dami-dami nang karnabal sa Kamaynilaan. Marami pa rin ang nadaragdag habang nalalapit ang Pasko. Isa rito ay ang Paskong Pasiklab sa QC 2003 na pinatatakbo ng Funfair Ventures, Inc. Bagaman at nagkaroon ito ng soft opening nung Nob. 28, Biyernes sa Disyembre 6 pa ang grand opening nito. Magkakaroon ng sabay-sabay na motorcades para sa pagtatapos ng Linggo ng Kabataan at pagbubukas ng kanilang Entrepreneurship and Livelihood Fair sa Paskong Pasiklab grounds. Dito rin gaganapin ang remote telecast ng programang Magandang Tanghali Bayan (MTB). Kinahapunan, gaganapin ang ribbon cutting, concelebrated Mass, ang pagsisindi ng tallest Christmas tree, fireworks display at isang palabas na magtatampok sa mga celebrities, choir and drumbeaters at ang kaabang-abang na battle of the bands.

Ang
Paskong Pasiklab ay nagtatampok ng 50 rides and attractions, night market of the stars, Apollo Rocket, Speed Racer, Sky Rider (parachute simulation and rapelling). Wall of Death (stunt show), 60-ft, skating rink, The labyrinth and the Haunted House.

Nag-try ako ng kalesa at dragon rides kahit may sakit akong vertigo at, sa totoo lang, konting hilo lang ang naramdaman ko. Sure ako, magi-enjoy dito ang apo kong si
Macmac dahil para sa kanila ang mga rides na feel ko ay safe na safe.

Twenty five pesos lang ang entrance fee. Ang mga rides ay mura lamang, pinakamataas na ang P50, halos lahat ay nagkakahalaga ng P25.

Matatagpuan ang
Paskong Pasiklab sa UP Diliman, Commonwealth Ave. Bukas ito Lunes hanggang Linggo, 4:00 n.h., simula Dis. 6 hanggang Enero 4, 2004.

Show comments