Zoren, ayaw maghubad sa pelikula
December 1, 2003 | 12:00am
Bakit parang masyado yatang tahimik ang buhay mo, walang intrigang nababalita sa iyo? Bungad na tanong namin kay Zoren Legaspi the other day sa general presscon ng Mano Po 2.
"Kasi very careful ako sa mga choices sa buhay ko. Napansin ko kasi sa mundong ito kapag nagkamali ka, yung major ha, parang ang hirap linisin. Not necessarily yung karmang darating.
"Kunwari, nakabuntis ka ng babae, tapos nagkaanak kayo pero hindi nagkatuluyan. Tapos nag-asawa ako, selosa siyat lagi naming pinagtatalunan yung tungkol sa anak ko sa ibang babae. Dahil may kunsensya ako, hindi ko naman pwedeng pabayaan ang bata, di ba?
"Katulad ng drugs, kapag nag-drugs ka tapos sabihin na nating nag-quit ka, meron pa ring negative, eh. Ako, hindi naglalasing dahil kapag nakainom ka, may mga nagagawa kang mga bagay na di mo nagagawa kapag normal ka, doon careful ako."
How do you gauge yourself, one woman ka ba?
"Sa lalaki naman, hindi natural yun, its a choice. Syempre ang lalaki kapag nakakita ng magandang babae, sexy, natural na matukso siya. Oo natutukso ako pero nasa akin kung magpapadala ako sa tukso. Kaya kung gusto mong maging one woman man, choice yun, kailangang panindigan mo."
Ano ang role mo rito sa Mano Po 2?
"Ako yung pinagselosan dito ni Boyet (Christopher de Leon). Ako kasi yung tumutulong kay Kris Aquino at takbuhan niya kapag may problema siya. Pero dun ako sa flashback, nung unang panahon pa."
At this point in time, ano ang preference mo sa pagtanggap mo ng pelikula? Is it quality over quantity or vice versa?
"Kasi kung quantity, ang dami ko na sanang nagawang pelikula. Ang problema nga kasi, one year na ako sa manager kong si Manny Valera, at ang gusto niya lahat ng lalaking hawak niya, parang-required to somehow to do a sexy scene, isa o dalawa.
"May mga alok na dumarating kaya lang, parang hindi pa ako comfortable. Kunsabagay yung mga sexy movies ngayon, may kwento na at quality na ginagampanan ng mga top stars today, unlike before na kung sinu-sino lang. Ngayon kapag gumawa ka ng ganoong klaseng pelikula, you will not be considered a bold actor."
May kinalaman ba si Carmina Villaroel sa decision mo kung ano lang ang tatanggaping pelikula especially sexy movies?
"Wala, lahat ng desisyon ko akin. Pero tinatanong ko, how would she feel kapag tinanggap ko ang isang offer. Actually si Carmina, hindi naman sa gusto niya, parang nanghihinayang lang siya kung bakit hindi ko ginagawa yung mga offer na ganun. Meron naman daw akong ipakikita, siguro nakita na nga niya, ha!ha!ha!ha!" Ben Dela Cruz

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended