Paglipat sa Dos ni Bernadette, naudlot

Malabo nang magkaroon ng linaw ang napipintong paglipat ni Bernadette Sembrano sa ABS-CBN.

Napabalita kasing magkakaroon sana ng pagbabago sa tv career nitong si Bernadette pagkatapos ang nangyari sa kanya sa segment ng show ni Che-Che Lazaro sa GMA-7 na The Probe Team. Balitang lilipat ito sa istasyon ng Kapamilya lalo pa’t bukod sa mga newscasting nito ay isa lang ang programa nito, ang Wish Ko Lang.

Ayon sa aming source, nakipag-miting na sa mga executives ng ABS-CBN itong si Angeli Pangilinan-Valenciano, manager ni Bernadette. Inilatag nito ang kanyang mga demands na projects para sa Dos lalo pa nga’t matunog na matunog na gustung-gustong kunin ang alaga nito at interesado silang kunin ang serbisyo ng Fairy Godmother ng Bayan.

Sa nasabing miting, hiniling ni Angeli na kaagad bigyan ng Dos ang alaga nito ng tatlong shows. Ito ay ang isama siya sa Magandang Umaga Bayan, The Correspondents at ang magkaroon ito ng sariling show. Alam ba ninyong sa naturang kahilingang ito ni Angeli ay halos maloka raw ang mga ka-miting nito na tila na-turn off. Agad-agad silang nagdesisyong magpapatawag sila muli ng susunod na miting. At baka sa miting na iyon ay makapag-isip-isip na sila! — Boni A. Casiano

Show comments