Ang daming bahay ni Marvin

Napaka-swerte ng babaeng mamahalin ni Marvin Agustin. Napakasinop niya sa buhay. Bukod dito, malaki ang kapasidad niyang matuto ng mga bagay na may kinalaman sa kanyang propesyon, tulad ng pagdidirek at photography.

Sa isang recent interview na ginawa ko sa kanya bilang bahagi ng promo ng Malikmata, entry ng Canary Films sa MMFFP, sinabi niya na hindi siya mahilig sa kotse. Sa kanya basta may masakyan lang at makakapunta siya sa mga lugar na kailangan niyang puntahan, okay na. "Kaysa ibili ko ng mamahaling kotse, ipunin ko na lang," sabi niya.

At marahil dahilan sa kanyang pagiging masinop kung kaya nagbibilang siya ng bahay ngayon. Nakabili siya ng bahay sa Tagaytay. "Actually, Batangas na ito. At kaya ko gusto ay dahilan sa malapit ito sa dagat," sabi niya.

May bahay din siya sa Baguio na tinitirhan ng kanyang ina. Yung bahay sa WackWack ay siya naman niyang tirahan.

"Mabuti pang sa bahay at lupa mag-invest, di ito nawawala. Lumalaki pa ang presyo basta marunong ka lang mag-maintain," ang sabi ni Marvin.
* * *
Hindi na bagito si Kryz Evangelista sa concert stage, matagal na siyang kumakanta at bale wala na sa kanya ang kumanta. Ang kahanga-hanga sa kanya ay hindi mga ordinaryong kanta ang binabanatan niya kundi mga kanta ni Regine Velasquez na mahirap kantahin dahilan nga sa taas ng tono ng mga ito.

Yes, isa pong Regine fanatic si Kryz bagaman at aminado na hindi siya masyadong kilala na di tulad ng ibang impersonator ng
Asia’s Songbird.

Bukas, mapapanood si Kryz sa isang major concert sa Rembrandt Hotel ballroom sa ika-9:00 ng gabi. May dinner ito sa ganap na ika-7:00 n.g.

Pinamagatang
K2, makakasama ni Kryz ang RNB Princess na si Kyla at si Jograd dela Torre bilang ispesyal na panauhin. Produksyon ng QC Novaliches Lions Club 301 D-2 sa pakikipagtulungan ng Artist & Friends Entertainment Network.

Ang kikitain ng show ay mapupunta sa
Drug Awareness Project ng QC Lions Club/Lions Club Int’l Dist 301, D-2-LY 2003-2004.

Show comments