"Ang daming offer for me to direct a movie na di ko matanggap. Wala na akong nightlife. Isiningit ko sa aking schedule ang shooting ng Crying Ladies dahil gusto ko ang project at ang script," banggit ni Eric.
Nakalimutan na rin yata ni Eric ang kanyang lovelife dahil sa trabaho. Natawa ito nang biruin ni Rey Pumaloy na mauuna pang ikasal si Dolphy at kung totoo ang tsismis, baka pati si Vandolph ay magpakasal na rin.
"Okay lang, mauna na sila. Si daddy talaga dapat nang magpakasal. Im only 36 years old, kung si daddy 75 years old na magpapakasal, siguro naman bago ako umabot sa ganoong edad makakapag-asawa na ako. Bata pa si Vandolph para mag-asawa at di ko alam ang tsismis sa kanya," sabi nito.
Siyanga pala, "oo naman" ang sagot ni Eric nang aming tanungin kung susuportahan niya si Fernando Poe, Jr. na nag-announce na ng kanyang pagtakbong presidente ng bansa.
Agad ang sagot ni Danica na "malabo, hindi niya type si Valerie." Naalala tuloy namin ang kwento ni Dinno Erece nang usisain si Danica kung totoong sila na ni Aiza Seguerra. "Hindi ako, si Ciara (Sotto)," ang sagot nito.
Hindi ba naman nakakaloka ang pagka-prangka ng young actress? Pero nang tuksuhin namin siya kay Cogie Domingo ay tigas ang pagdi-deny at old issue na raw ito at friend lang niya si Cogie.
Kasama pala si Danica sa Fantastic Man at kahit supporting lang siyay masaya pa rin siyang makasama ang amang si Vic Sotto. Payag daw siyang lumabas kahit walang talent fee, kaya lang, nag-demand ng bayad ang kanyang manager. Hindi na sinabi ni Danica kung magkano ang TF niyat ayaw naming maniwala sa sinabi ng pinsang si Miko Sotto na P2,000 lang ang ibinayad ni Vic sa kanila.
Incidentally, naurong sa July ang alis ni Danica para mag-aral sa Les Rochas, Craen-Montana Switzerland dahil tinatapos niya ang kanyang album sa Dyna Records. Dapat this December siya aalis pero, natutuwa itot makakatulong siya sa promo ng pelikulat makakasama sa parada sa December 24.
"Nauna tong Gagamboy sa MP 2. Sabay ko dapat ginawa ang MP 2 at Filipinas, kaso, hindi kaya ng schedule ko. Sabi ng manager ko, may isang masa-sacrifice at sumunod lang ako sa desisyon ng manager ko," ani Jay.
Excited si Jay para sa Gagamboy dahil first time siyang mapapanood ng kanyang mga anak. Hihintayin daw niya ang reaction ng kanyang mga anak pag napanood na siyang naka-costume ng Ipis Man at nakikipaglaban kay Vhong Navarro. Bale-wala kay Jay kung kontrabida siya rito. Mas importante sa kanyang maganda ang kanyang role at tatatak sa isip ng moviegoers. Nakakain siya ng ipis sa pelikula, kaya nata-transform siya bilang Ipis Man. "Crunchy ang ipis, kadiri no," biro nito sa press.
Kinumusta pala namin kay Jay ang lalaking nagpakilalang real father niya. Nagkausap daw sila sa launching/presscon ng ini-endorse niyang Mola Energy Drink, but sad to say, hindi niya pinaniwalaan ang claim ni Mr. Jose Manalo.
"May mga hiningi akong detalye at hindi tumama ang mga sinabi niya. Para sa akin, kilala ko ang tatay ko. Natawa nga siya nang malamang may nagki-claim na siya ang real father ko. Kahit anong mangyari at kahit ano pang darating, isa lang ang tatay ko," sabi ni Jay.