2 anak pa ang gusto ni Sharon
November 29, 2003 | 12:00am
Mabigat sa loob ni Sharon Cuneta ang iwanan ang kanyang bunsong anak na si Frankie na inaapoy ng lagnat pero may mahalagang commitment na dapat harapin, ang presscon ng kanyang MMFF movie sa Unitel Pictures, ang Crying Ladies na directorial movie debut ni Mark Meily na siya ring sumulat ng Palanca award-winning screenplay. Maagang dumating si Sharon sa presscon na ginanap sa Annabels nung nakaraang Miyerkules ng tanghali. Tulad ng isang pro, hindi ito nagpahalata na bothered siya dahil sa kanyang three-year-old daughter na si Frankie. Tinapos pa ni Sharon ang presscon at saka lamang ito nagmadaling umalis para maalagaan ang bunsong anak. Sa darating na Pasko ay buo na naman sila dahil nakatakdang dumating ang kanyang panganay na si KC sa December 20 galing Paris kung saan ito nag-aaral ngayon. Hihintayin lamang ni KC ang birthday ng kanyang mommy on January 6 at saka ito babalik ng Paris. Ayon kay Sharon, adjusted na umano si KC sa Paris at marami na umano itong kaibigan doon. Natutuwa rin ang megastar na hindi pelikula ang pinagtutuunan ng kanyang dalaga kundi ang pag-aaral.
Sa buong taong 2004 ay hindi mapapanood si Sharon sa pelikula.
Kung si Sharon lamang ang masusunod, gusto pa niya ng dalawang anak. Umaasa rin siya na magkakaroon sila ng anak na lalake ng mister niyang si Sen. Kiko. Samantala, tiyak na maninibago ang kanyang mga tagahanga dahil kakaibang role ang ginampanan ni Sharon sa Crying Ladies na gustung-gusto naman ni Sharon dahil first time ito sa kanya.
Anak ni Direktor Danny Cabreira ang napapabalitang girlfriend ngayon ni Vic Sotto - si Pia Cabreira. Pero halatang protektado ito ni Vic dahil ayaw niya itong isangkot sa mga showbiz talks dahil hindi naman daw showbiz si Pia. Nakita na namin ng personal si Pia. Maganda ito at may dahilan na mainlab sa kanya ang bida ng Fantastic Man.
Kung over-whelming ang naging resulta sa box office hit noong isang taon ng Lastikman, inaasahan na ganoon din ang mangyayari sa Fantastic Man na pinagbibidahan pa rin ng TV host-comedian. Tulad ni FPJ, grabe ang appeal ni Vic sa mga bata at sa masa kaya naman hanggang ngayon ay nananatili pa ring unbeatable ang Eat Bulaga na mahigit nang dalawang dekada. Inagaw na ng pulitika ang kanyang nakatatandang kapatid na si Sen. Tito Sotto, may balak ba si Vic na sundan ang yapak ng kanyang kapatid?" Nariyan na si Tito Sen, tama na yung siya na lang. Narito lamang ako para suportahan siya," pahayag niya sa nakaraang presscon ng Fantastic Man na dinaluhan din ng ibang cast ng pelikula tulad nina Ara Mina, Alicia Meyer, Valerie Conception, Danica Sotto, Mico Sotto at ang direktor ng pelikula na si Direk Tony Reyes.
Sa buong taong 2004 ay hindi mapapanood si Sharon sa pelikula.
Kung si Sharon lamang ang masusunod, gusto pa niya ng dalawang anak. Umaasa rin siya na magkakaroon sila ng anak na lalake ng mister niyang si Sen. Kiko. Samantala, tiyak na maninibago ang kanyang mga tagahanga dahil kakaibang role ang ginampanan ni Sharon sa Crying Ladies na gustung-gusto naman ni Sharon dahil first time ito sa kanya.
Kung over-whelming ang naging resulta sa box office hit noong isang taon ng Lastikman, inaasahan na ganoon din ang mangyayari sa Fantastic Man na pinagbibidahan pa rin ng TV host-comedian. Tulad ni FPJ, grabe ang appeal ni Vic sa mga bata at sa masa kaya naman hanggang ngayon ay nananatili pa ring unbeatable ang Eat Bulaga na mahigit nang dalawang dekada. Inagaw na ng pulitika ang kanyang nakatatandang kapatid na si Sen. Tito Sotto, may balak ba si Vic na sundan ang yapak ng kanyang kapatid?" Nariyan na si Tito Sen, tama na yung siya na lang. Narito lamang ako para suportahan siya," pahayag niya sa nakaraang presscon ng Fantastic Man na dinaluhan din ng ibang cast ng pelikula tulad nina Ara Mina, Alicia Meyer, Valerie Conception, Danica Sotto, Mico Sotto at ang direktor ng pelikula na si Direk Tony Reyes.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended