2 na ang anak ni Vhong

Yes, inamin po ni Vhong Navarro sa presscon ng kanyang pelikulang Gagamboy, MMFFP entry ng Regal Films na bukod sa apat na taong gulang na anak niya kay Bianca Lapuz, ay may mas nakatatanda pa siyang anak, pitong gulang na ito, sa isang naka-relasyon niya bago pa sila nagpakasal ni Bianca.

"Di ko lamang ina-acknowledge ito dahil hindi ako sigurado kung anak ko nga siya. At hindi ako ang lumayo sa bata, di ko rin siya pinabayaan, ang ina niya ang naglayo sa akin sa kanya.

"Walang problema sa akin yung bata, bata yun, walang kasalanan. Pero, mahirap talaga yung may duda ka. At saka bakit ngayon lamang niya ako hinahabol? Di naman ako isang matinee idol para kailangang itago ko yung bata.

"Matagal na kaming hindi nag-uusap ng ina ng bata. Streetboys na ako nang magkaroon kami ng affair. Hindi ko siya naging girlfriend."

Sinabi ni Vhong na okay pa rin ang relasyon nila ni Bianca kahit naghiwalay sila.

"Mas okay na kaming magkaibigan. Yung anak namin, tanggap na rin niya ang sitwasyon, na kung weekends ay sinusundo ko siya and then I bring him home to his mother.

"Pero, hindi ko ito ipinapayo sa iba. Natutunan ko na hindi advisable na mag-asawa ng bata. Di bale kung hindi magkakaanak. Ang unang apektado kasi ay ang anak," katwiran ni Vhong na si Gagamboy naman, isang Pinoy superhero matapos siyang pilahan sa takilya bilang Mr. Suave.

Kasama sa Gagamboy si Aubrey Miles, Jay Manalo, ang arch-rival ni Gagamboy sa puso ni Aubrey. Si Jay ang Ipis Man. Kung si Vhong ay nakalunok ng gagamba si Jay ay nakakain ng ipis sa pelikula na dinirek ni Erik Matti.
* * *
Hindi nagpahuli ang Harrison Plaza sa ibang mga shopping malls na nagpapaligsahan sa ganda ng Christmas decor.

Nagkaroon na rin ito ng Christmas tree lighting na isinabay sa pagdiriwang ng ika-19th anniversary nito na ginanap sa HP Garden Square at sa paglulunsad ng
HP/Coca Cola Christmas Midnight Millionaires promo. Bawat bibili ng meal na may kasamang Coke sa HP Food Court ay magkakaroon ng pagkakataon na makasali sa isang raffle na may premyong P1M o P1M worth of Globe and Prepaid call and text cards.

Katulad nang nakaugalian, nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang concelebrated Mass na ipinagdiwang nina
Rev. Frs. Nick Blanquisco, Constantino C. Conti at Sanny C. de Claro sa saliw ng awitin ng Our Lady of Assumption Parish Choir.

Naging guest of honor si
Hon. Councilor Miles M. Roces kasama ang kanyang pamilya, mga execs ng Belco Marketing Inc. at Coca Cola.

Nagbigay ng inspirational talks sina
Atty. Dupil Garcia ng Cardams at Mr. Salvador Clemente na ang mensahe ay nagbuhat pa kina Mr. & Mrs. Antonio V. Martel na nasa US.

Namahagi ng Tenant of the Year at Employee of the Year awards.
* * *
May tiket na ba kayo sa konsyerto ni Gary Valenciano na XXtreme sa Araneta na nagsimula kahapon at magtatapos ngayong gabi? Wala pa? Nakowww, ang dami n’yong na-miss!!!

Napakasaya ng konsyerto na talaga namang pinanood ng napakaraming tao, ito ay sa kabila ng pangyayaring napakaraming mga palabas ngayon at baka wala nang pambili para sa isa pang palabas ang tao. This isn’t the case, lalo na sa isang napaka-galing na performer na tulad ni Gary V. na bawa’t palabas ay talaga namang kahintay-hintay at kapana-panabik.

Go kayo. Hindi kayo magsisisi. Di lang magandang palabas ang naghihintay sa inyo kundi isang masayang disco party. Yepp, sasayaw kayong walang pasubali sa konsyertong ito ni Gary V.

Show comments