Di sali sa 'Fantastic Man' pero Oyo Boy, pumunta ng presscon

Sa taong ito ay nakagawa si Sharon Cuneta ng tatlong pelikula at pangatlo bale itong pang-Metro Manila Film Festival entry ng Unitel Pictures, ang Crying Ladies na directorial debut ni Mark Meily. Ayon kay Sharon, bukod sa script, madali siyang napasang-ayon sa nasabing project dahil malapit niyang kaibigan si G. Tony Gloria, ang big boss ng Unitel Productions.

Si G. Gloria ang nagma-may-ari ng iba pang kumpanya tulad ng Optima Digital, ang pangunahing post-production house at ang Unifex na nagi-specialize naman sa mga visual effects at ang pinakabago ay ang Unitel Pictures na siyang producer ng Crying Ladies.

Si G. Gloria ay dating konektado sa Viva Films during its earlier years. Ang kanyang 25 taong experience sa film, advertising at TV commercial production ay hindi na matatawaran kaya ang pagpasok niya sa film production ay hindi bago sa kanya.Dahil magkaibigan sina G. Gloria at Sharon, hindi nahirapan ang una na kumbinsihin si Mega. "Actually, hindi ko pa nababasa ang script ay sumangayon na ako kay Tito Tony. Secondary na lamang sa akin ang script. Pero nang mabasa ko ang script, lalo akong ginanahan na gawin ang pelikula," ani Sharon. May balita pa na magso-sosyo ang Unitel Pictures at si Sharon sa pagpu-produce ng isang Dolphy movie.
* * *
Hindi man kasama sa pelikulang Fantastic Man si Oyo Boy Sotto, dumating pa rin ito sa presscon ng pelikula na ginanap sa Virgin Cafe nung nakaraang Martes ng gabi para suportahan ang kanyang daddy na si Vic Sotto at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Danica Sotto at pinsan na si Miko Sotto. First time ng mag-amang Vic at Danica na magkasama sa pelikula although magkasama sila sa sitcom na Daddy Di Do Du. Sa naturang presscon, all praise si Danica sa kanyang daddy sa pagiging ulirang ama nito sa kanilang magkapatid. Hindi umano nakikialam ang kanyang daddy pagdating sa kanyang lovelife na ginagawa rin nila sa kanilang ama. "Ang sabi lang sa amin ni Daddy, kung saan kami maligaya, doon kami at nariyan lang daw siya para i-guide kami," pahayag ni Danica. Pagdating sa lovelife ng daddy, never din namin siya pinakikialaman. Kung kanino rin siya maligaya, masaya kami para sa kanya," dugtong pa ng panganay nina Vic at Dina Bonnevie.
* * *
Ibig naming bigyang-daan ang isang e-mail sender na gumamit ng pangalang Marga of McDonalds at narito ang nilalaman ng kanyang sulat:"Ako po si Mark pero ang palayaw ko po ay Marga. Grabe! Kilig kaming lahat dito sa McDo dahil nakita namin ang idol namin na sobrang gwapong si Jericho Rosales. Last week po yun nung mag-drive thru sila nung asawa at anak niya. "Ang puti pala nung asawa niya. Di namin narinig yung pangalan kasi mama lang ang tawag niya. Pero nung nagpa-autograph kami ay pumirma din ang cute niyang baby at nakalagay, Santino. Tuwang-tuwa kami sa kanila. Binigyan namin sila ng maraming laruan. Yung asawa niyang maganda at maputi sana pero hindi kami pinansin. Nag-smile lang pero paulit-ulit niyang niyayaya si Jericho na umuwi na. Hindi tuloy kami nakapag-pa-picture. Sana magpasyal ulit ang idol namin dito sa tulong ninyo. 

Salamat,Marga (cheeseburger_mcdo@hotmail.com)xxxxxxxxxmailto:a_amoyo@pimsi.net

Show comments