Ang katipiran niyang ito ang dahilan kung kayat nakapagpupundar siya. Mayron na siyang isang mamahaling sasakyan, isang Porsche na iniintriga na bigay sa kanya ng isang DOM pero, sinabi niyang nagmula ito sa kanyang pawis at pagpapagod.
"Galing ito sa pinagpaguran ko. Pati na ang bahay na tinitirhan namin ay bayad ko na rin. Kasama kong nakatira rito ang mga parents at kapatid ko although may mga bahay pa kami sa bundok, sa Marikina at Caloocan. Bahay ito lahat ng lola ko," sabi ng aktres na sa kabila ng kaabalahan ay nagagawa pang mag-gym kahit minsan isang linggo.
"Kailangan ito ng katawan ko, para maging healthy ako at makaya yung maraming pagpupuyat na ginagawa ko," dagdag pa niya.
Itinatwa rin ni Aubrey na isang sugar mommy siya na ginagastusan niya si Troy Montero na bf daw niya. "Never akong gagastos sa lalaki. Gusto ko yong may pera. Never akong kukuha ng lalaking walang pera."
Si Aubrey ang object of competition nina Vhong Navarro na gumaganap ng role ni Gagamboy at Jay Manalo sa pelikula ng Regal, ang Gagamboy na entry sa Metro Manila Film Festival Phils., sa direksyon ni Erik Matti.
Talagang ilalantad ni Mark ang maselang bahagi ng kanyang katawan sa naturang palabas katambal si Mamu Andrew, ang nanay ng mga sikat na sing-along masters sa bansa dahil sa kanyang sing-along bars na Library at Comic Lab.
"Nong tinanggap ko ang play na ito ay alam kong maghuhubad ako, may love scene ako sa kapwa ko lalaki at may torrid kissing scene pa ako. Inisip ko na legitimate stage ito at sa UP pa gagawin, so yung hubaran, parang bonus na lang," ani Mark.
Ang Daplis ay kakambal ng isa pang play, ang Helow Kadet na bida sina Mel Martinez at Francis Cruz lll sa produksyon ng Seventh Stage. Mapapanood ito sa Dis. 4,5,6, 11, 12, 13, 7:00 n.g. sa Pres. Lopez Hall, University Hotel, UP Diliman.
Condolence rin kay Gng. Rosario Tenorio, sa pagkamatay ng kanyang asawang si Tony Tenorio, isang dating editor sa Atlas Publishing.