^

PSN Showbiz

Maui, hindi pwedeng tumanggap ng project outside Viva

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Muntik na palang hindi ma-air last Monday ang episode ng OK Fine Whatever kung saan guest that particular episode si Maui Taylor. Kasi pala ang nakipag-negotiate for the said episode ay ang bago niyang manager na si Dondon Monteverde. Nang malaman ‘yun ng Viva kung saan existing pa ang managerial contract ni Maui, nagpadala raw ng letter of protest ang Viva dahil wala nga namang karapatan si Maui na mag-guest sa ibang show without their consent.

So last minute, nagpadala raw ng letter ang ABS-CBN asking Viva’s approval sa nasabing episode na kasama si Maui.

Buti na lang daw at pagkatapos makipag-usap ang executive ng Dos ay napapayag ang manager (Viva) ni Maui.

Kasi naman itong si Maui basta-basta na lang umalis ng Viva. Hindi man lang niya inisip na may contract pa siya. Tuloy freeze ang career niya. Ni wala pa nga siyang naka-line up na movie after Bugbog Sarado na hindi naman pala kumita.
* * *
Darating si KC Concepcion in time for Christmas. Mismong ang mom niyang si Sharon Cuneta ang nagsabi. Sandali lang daw si KC, pero hihintayin niya ang birthday ng mom niya sa January. And then, babalik agad siya ng Paris kung saan ito nag-aaral.

Magaling na daw mag-French si KC sabi naman ni Ms. Helen Gamboa na nakausap niya nang mag-travel siya sa Europe kamakailan.

Going back to Sharon, next year walang tatanggaping pelikula ang actress. Kaya in a way last movie niya itong Crying Ladies na entry ng Unitel Pictures sa darating na Metro Manila Film Festival.

Seryoso si Mega na mabuntis next year. In fact, nagpapa-inject na siya para mas mabilis ang pagbuo ng baby. Meron siyang limang mark ng injection nang dumating siya sa presscon ng Crying Ladies. Masakit daw, pero kailangan niyang magtiis para finally ay masundan na si Frankie.

Matagal na silang nagpa-plano ni Sen. Kiko Pangilinan na sundan si Frankie, pero hindi sila makabuo. Kaya nga kahit concert abroad, ayaw tumanggap si Sharon.

Marami kasing nago-offer na mag-concert tour siya sa Amerika. Pero ayaw niya talaga. Kasi nga ang mission niya next year ay magka-baby.

Pero hindi naman niya iiwan ang Sharon show niya sa ABS-CBN kaya hindi naman siya mami-miss. May album din naman siya kaya walang reason para malungkot ang fans niya.

In any case, with Sharon in Crying Ladies are Angel Aquino, Hilda Koronel, Ricky Davao, Eric Quizon and Julio Pacheco under the direction of Mark Meily for Unitel Pictures.

Kakaibang Sharon ang mapapanood sa pelikulang ito bilang professional crying lady o taga-iyak sa mga dead na Instik.

Base sa trailer, sobrang nakakatawa ang pelikula. Kahit nga si Sharon, sinasabi niyang kakaiba ang role niya rito compared sa mga naunang pelikula niya. Breather daw ito after ng marami niyang pelikulang iyakan.

Iba ang approach sa movie dahil ginamitan ito ng modern technology ng Unitel Pictures, ang newest company under the umbrella of Unitel Inc.

Awardee ng Carlos Palanca Literary Award ang screenplay ng pelikula in July 2001.

About 95% of the cast and crew ng pelikula are young and come from the advertising industry. Kaya major scene were storyboarded framed by framed.

ANGEL AQUINO

BUGBOG SARADO

CARLOS PALANCA LITERARY AWARD

CRYING LADIES

KASI

KAYA

MAUI

NIYA

SIYA

UNITEL PICTURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with