"Three weeks kong iniyakan ang aming paghihiwalay dahil napamahal na rin siya sa akin at talagang nalungkot ako dahil na-miss ko siya. Kahit tahimik siya at misteryoso ang dating ay mabait si Railey at supportive sa aking career," aniya.
Sa dami ng trabaho ni Chynna ay nakakaipon na siya ng pera at nakabili na ito ng mamahaling sasakyan.
Isa siya sa paborito ng GMA 7 dahil bukod sa propesyonal ay magaling ding umarte.
Sa lahat ng leading man ay gusto niya si Richard Gutierrez dahil compatible sila sa maraming bagay, bilang magkaibigan at marami na ring followers ang kanilang loveteam. Magkasama ang dalawa sa Mano Po 2 at Love To Love (Season 2).
Sa kabilang banda, tinuruan din ni Cesar with Direk Carlo si Clavel Bendana na may-ari ng Velcor Productions at gumaganap sa papel ni Mrs. Imelda Marcos sa pagbibigay ng tamang emosyon. Malikot kasi ang mga mata nito habang nagda-dialogue at halatang kabado ang magandang prodyuser, kaya kailangan nilang abangan.
Kapag walang showbiz commitment ay nasa Antipolo City Hall ito at abala sa pagpapasa ng mga ordinansa. Isa na rito ang tungkol sa anti-film piracy at higit sa lahat ay ang pagbabawal ng paggamit ng cellphone sa kanilang lungsod habang nagmamaneho.
Kumusta naman ang kanyang pamilya?
"Tatlo na ang anak ko, si Jessica Liz, 9 years old, Angela Shaina 7 at ang bunso si Anthony Pierce na 5 years old. Okey naman ang aming pamilya.
Inamin nito na high school pa lang ay matindi na ang crush niya kay Shine lalo na noong nasa TGIS pa lang ito. Nagsimula sa ABS-CBN si Frank kaya hindi niya masisilayan ang kanyang inspirasyon hanggang magkita ang dalawa sa Sis kung saan pareho silang guest. Lumipat na kasi sa Syete ang gwapong aktor kasama ang grupo ng P4. Ang kanilang mga fans ang naglapit sa dalawa kung saan sinasabing bagay silang magkapareha. Naniniwala naman si Frank na hindi maaapektuhan ang kanilang career ng kanilang relasyon.