Pero, di na mga bahay ang nagpapasiklaban ng paglalagay ng dekorasyon tuwing Pasko. Kundi ang mga commercial districts, lalo na yung mga malls.
Akala ng mga taga-Araneta Center ay mami-miss nila ang pagkawala ng Christmas display ng COD na ilang taon ding nagpaligaya sa maraming tao at dinayo ng maging ng mga taga-lalawigan. Hindi pala dahil sa pagkawala ng COD, inako ng Greenhills Shopping Center ang pagpapalabas nito. Hindi nga lamang kasing-laki ng dating napapanood sa COD pero, narun pa rin ang spirit, ang layuning makapag-pasaya.
Malayo pa ang Pasko, nagsimula nang magpaganda ng kanyang lugar si Mayor Lito Atienza. Ngayon, isa na namang makulay na lungsod ang Maynila, lalo na ngayong nagsisimula na itong dekorasyonan para sa Pasko. Hindi rin pahuhuli ang Ortigas Center, Makati at maging ang Quezon City na sa Quezon Memorial Center ay may itinatayong karnabal. Pamalit kaya ito sa isinarang Fiesta Carnival sa Araneta Center? Sana, naman dahil walang mapuntahan ang mga kabataan ngayon. Malayo sa kanila ang Enchanted Kingdom o maging ang malapit-lapit na Star City.
Sa kabila ng kahirapan ng bansa, nakakapagpasaya ang makitang patuloy ang selebrasyon natin ng Kapaskuhan. Mas magiging maganda siguro kung kaalinsabay ng mga magagandang dekorasyon ay ang maisipan ng bawat isang may kakayahan sa atin, o kahit na ng mahirap, na makapagpaligaya rin ng isang kapwa natin. Kahit ngayong Pasko lamang. Isa lamang sa bawat isa atin. Napaka-laking bagay na ito para sa mga nangangailanang nating kapatid.
Napaka-ganda ng naisip ng Mossimo at Warner Bros para sa promosyon ng pelikulang Looney Tunes Back In Action Back to Movie World. Dalawang maswerteng winner ang makakapunta ng Australias Gold Coast ng libre na may kasamang hotel accommodation at mga tiket sa Sea Worlds Wet n Wild Water World at Warner Bros Movie World. Ang tanging gagawin nila ay bumili ng mga produkto ng Mossimo na di bababa ng P500 at bibigyan sila ng raffle ticket na kung saan ay isusulat nila ang kanilang pangalan, address at tel no. at ihulog ito sa mga Mossimo outlets. Sa Enero 7 gaganapin ang raffle draw.
Transferable ang mga premyo pero di convertible sa cash at makukuha hanggang Mayo 7, 2004. Ang halaga ng pagkuha ng mga travel documents ay ang mga winners na ang magbabayad.
Ang Looney Tunes Back In Action Back To Movie World ay unang napanood nung Nob. 23 sa OnStage Greenbelt bilang bahagi ng A Day Of Fun With The Orphans, isang charitable project ng Mossimo at Warner Bros kasama ang GMA7s Kapuso Foundations Give A Gift, Alay sa Batang Pinoy Project. Mga 200 child laborers ang nabigyan ng maagang Pasko.
Ang pelikula ay nagtatampok kina Brendan Fraser, Jenna Elfman, Timothy Dalton, Steve Martin, Heather Locklear at Joan Cusack kasama ng mga Warner Bros characters.
May isa pa ring bagong produkto ang Secosana, ito ang kanilang bagong line of shoes. Pwede nyo nang ternuhan yung mga bag nyo ng sapatos.
Perfect siyang mag-endorse ng aming produkto. Hindi lamang siya maganda at may talento, mayron din siyang isang malinis na imahe, ang imahe na gusto namin sa mga magsusuot ng aming mga produkto," ani Candice Cheung, CEO ng Broadway Clothing Company, ang gumagawa ng Teen Spirit.