Pagandahan lang ba ng dekorasyon ang Pasko?
November 25, 2003 | 12:00am
Di na sagisag ng Pasko ang mga colored lights. Marami kasing bahay, lalo na yung mga business establishments ang di na nagtatanggal nito kahit tapos na ang Pasko. Katunayan, yung mga bars ay ito na ang ginagamit na dekorasyon all year round. At sa kamurahan ng halaga nito, wala nang dahilan para di makapaglagay nito sa araw ng Kapaskuhan.
Pero, di na mga bahay ang nagpapasiklaban ng paglalagay ng dekorasyon tuwing Pasko. Kundi ang mga commercial districts, lalo na yung mga malls.
Akala ng mga taga-Araneta Center ay mami-miss nila ang pagkawala ng Christmas display ng COD na ilang taon ding nagpaligaya sa maraming tao at dinayo ng maging ng mga taga-lalawigan. Hindi pala dahil sa pagkawala ng COD, inako ng Greenhills Shopping Center ang pagpapalabas nito. Hindi nga lamang kasing-laki ng dating napapanood sa COD pero, narun pa rin ang spirit, ang layuning makapag-pasaya.
Malayo pa ang Pasko, nagsimula nang magpaganda ng kanyang lugar si Mayor Lito Atienza. Ngayon, isa na namang makulay na lungsod ang Maynila, lalo na ngayong nagsisimula na itong dekorasyonan para sa Pasko. Hindi rin pahuhuli ang Ortigas Center, Makati at maging ang Quezon City na sa Quezon Memorial Center ay may itinatayong karnabal. Pamalit kaya ito sa isinarang Fiesta Carnival sa Araneta Center? Sana, naman dahil walang mapuntahan ang mga kabataan ngayon. Malayo sa kanila ang Enchanted Kingdom o maging ang malapit-lapit na Star City.
Sa kabila ng kahirapan ng bansa, nakakapagpasaya ang makitang patuloy ang selebrasyon natin ng Kapaskuhan. Mas magiging maganda siguro kung kaalinsabay ng mga magagandang dekorasyon ay ang maisipan ng bawat isang may kakayahan sa atin, o kahit na ng mahirap, na makapagpaligaya rin ng isang kapwa natin. Kahit ngayong Pasko lamang. Isa lamang sa bawat isa atin. Napaka-laking bagay na ito para sa mga nangangailanang nating kapatid.
Sayang nga lamang at walang kakayahan ang mga gumagawa ng mga lokal na pelikula na mai-promote ng husto ang kanilang mga pelikula matangi sa paglabas ng mga artista sa mga programa sa TV, paglilibot sa mga sinehan sa unang araw ng pagpapalabas ng pelikula at pagpapa-interview sa mga ibat ibang babasahin, kundi ay baka bumalik ang mga manonood ng pelikula sa mga sinehan.
Napaka-ganda ng naisip ng Mossimo at Warner Bros para sa promosyon ng pelikulang Looney Tunes Back In Action Back to Movie World. Dalawang maswerteng winner ang makakapunta ng Australias Gold Coast ng libre na may kasamang hotel accommodation at mga tiket sa Sea Worlds Wet n Wild Water World at Warner Bros Movie World. Ang tanging gagawin nila ay bumili ng mga produkto ng Mossimo na di bababa ng P500 at bibigyan sila ng raffle ticket na kung saan ay isusulat nila ang kanilang pangalan, address at tel no. at ihulog ito sa mga Mossimo outlets. Sa Enero 7 gaganapin ang raffle draw.
Transferable ang mga premyo pero di convertible sa cash at makukuha hanggang Mayo 7, 2004. Ang halaga ng pagkuha ng mga travel documents ay ang mga winners na ang magbabayad.
Ang Looney Tunes Back In Action Back To Movie World ay unang napanood nung Nob. 23 sa OnStage Greenbelt bilang bahagi ng A Day Of Fun With The Orphans, isang charitable project ng Mossimo at Warner Bros kasama ang GMA7s Kapuso Foundations Give A Gift, Alay sa Batang Pinoy Project. Mga 200 child laborers ang nabigyan ng maagang Pasko.
Ang pelikula ay nagtatampok kina Brendan Fraser, Jenna Elfman, Timothy Dalton, Steve Martin, Heather Locklear at Joan Cusack kasama ng mga Warner Bros characters.
Uy, may bagong style ng Secosana bags para ngayong Pasko. Ito ang Secosanas Charms and Crystal Bags na dinisenyo ni Joy Lim, isang kilalang crystal artist. Bawat bag ay custom designed to provide luck, love and power sa mga magmemeari ng bag. Kaya nga happy si Claudine Barretto, ang endorser ng Secosana bags dahil walang katapusan ang pag-iisip ng paraan ng mga taga-Secosana hindi lamang para ma-improve ang kanilang mga bags kundi mapaganda mpa rin ito ng lubusan.
May isa pa ring bagong produkto ang Secosana, ito ang kanilang bagong line of shoes. Pwede nyo nang ternuhan yung mga bag nyo ng sapatos.
Unti-unti na ring nakikilala ang linya ng casual clothing ng Teen Spirit na ginagawa para sa mga kabataang babae. Sa ginawa nilang pagkuha kay Angelica Panganiban para mag-endorse ng kanilang produkto, inaasahan ng mga gumagawa nito na mailalapit nila ang kanilang produkto sa tao.
Perfect siyang mag-endorse ng aming produkto. Hindi lamang siya maganda at may talento, mayron din siyang isang malinis na imahe, ang imahe na gusto namin sa mga magsusuot ng aming mga produkto," ani Candice Cheung, CEO ng Broadway Clothing Company, ang gumagawa ng Teen Spirit.
Pero, di na mga bahay ang nagpapasiklaban ng paglalagay ng dekorasyon tuwing Pasko. Kundi ang mga commercial districts, lalo na yung mga malls.
Akala ng mga taga-Araneta Center ay mami-miss nila ang pagkawala ng Christmas display ng COD na ilang taon ding nagpaligaya sa maraming tao at dinayo ng maging ng mga taga-lalawigan. Hindi pala dahil sa pagkawala ng COD, inako ng Greenhills Shopping Center ang pagpapalabas nito. Hindi nga lamang kasing-laki ng dating napapanood sa COD pero, narun pa rin ang spirit, ang layuning makapag-pasaya.
Malayo pa ang Pasko, nagsimula nang magpaganda ng kanyang lugar si Mayor Lito Atienza. Ngayon, isa na namang makulay na lungsod ang Maynila, lalo na ngayong nagsisimula na itong dekorasyonan para sa Pasko. Hindi rin pahuhuli ang Ortigas Center, Makati at maging ang Quezon City na sa Quezon Memorial Center ay may itinatayong karnabal. Pamalit kaya ito sa isinarang Fiesta Carnival sa Araneta Center? Sana, naman dahil walang mapuntahan ang mga kabataan ngayon. Malayo sa kanila ang Enchanted Kingdom o maging ang malapit-lapit na Star City.
Sa kabila ng kahirapan ng bansa, nakakapagpasaya ang makitang patuloy ang selebrasyon natin ng Kapaskuhan. Mas magiging maganda siguro kung kaalinsabay ng mga magagandang dekorasyon ay ang maisipan ng bawat isang may kakayahan sa atin, o kahit na ng mahirap, na makapagpaligaya rin ng isang kapwa natin. Kahit ngayong Pasko lamang. Isa lamang sa bawat isa atin. Napaka-laking bagay na ito para sa mga nangangailanang nating kapatid.
Napaka-ganda ng naisip ng Mossimo at Warner Bros para sa promosyon ng pelikulang Looney Tunes Back In Action Back to Movie World. Dalawang maswerteng winner ang makakapunta ng Australias Gold Coast ng libre na may kasamang hotel accommodation at mga tiket sa Sea Worlds Wet n Wild Water World at Warner Bros Movie World. Ang tanging gagawin nila ay bumili ng mga produkto ng Mossimo na di bababa ng P500 at bibigyan sila ng raffle ticket na kung saan ay isusulat nila ang kanilang pangalan, address at tel no. at ihulog ito sa mga Mossimo outlets. Sa Enero 7 gaganapin ang raffle draw.
Transferable ang mga premyo pero di convertible sa cash at makukuha hanggang Mayo 7, 2004. Ang halaga ng pagkuha ng mga travel documents ay ang mga winners na ang magbabayad.
Ang Looney Tunes Back In Action Back To Movie World ay unang napanood nung Nob. 23 sa OnStage Greenbelt bilang bahagi ng A Day Of Fun With The Orphans, isang charitable project ng Mossimo at Warner Bros kasama ang GMA7s Kapuso Foundations Give A Gift, Alay sa Batang Pinoy Project. Mga 200 child laborers ang nabigyan ng maagang Pasko.
Ang pelikula ay nagtatampok kina Brendan Fraser, Jenna Elfman, Timothy Dalton, Steve Martin, Heather Locklear at Joan Cusack kasama ng mga Warner Bros characters.
May isa pa ring bagong produkto ang Secosana, ito ang kanilang bagong line of shoes. Pwede nyo nang ternuhan yung mga bag nyo ng sapatos.
Perfect siyang mag-endorse ng aming produkto. Hindi lamang siya maganda at may talento, mayron din siyang isang malinis na imahe, ang imahe na gusto namin sa mga magsusuot ng aming mga produkto," ani Candice Cheung, CEO ng Broadway Clothing Company, ang gumagawa ng Teen Spirit.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended