Kamote at itlog lang ang pagkain ni Bong Revilla
November 25, 2003 | 12:00am
Minsan na-packed up ang shooting ng pinaka-aabangang entry ng Premiere Production, ang Captain Barbel dahil hindi na makayanan ng crew at production staff pati na rin ng mga artista at direktor nitong si Mac Alejandre ang tatlong araw na walang tulugan sa shooting nila mula sa Wildlife at sa Marikina.
Mismong si Bong Revilla na ang humiling kay direk na kahit konting oras lamang ay ma-packed up muna ang kanilang shooting para aniya ay makapagpahinga silang lahat. Naawa na kasi si Bong sa mga kasamahan niyang artista na puro diretso at magdamagan ang shooting.
In fairness kay Direk Mac, masyado kasing mabusisi at puro big scenes ang mga kinukunang eksena. Naghahabol na sila ng oras at panahon para tapusin ang pelikula. Target ni direk na matapos na sila bago mag-Nob. 25.
"Nakakapagod at masyadong madudugo ang eksena rito sa Captain Barbel, pati mga flying scenes at fighting scenes ni Bong ay mabusisi.
Sa pagbisita ng PSN sa location shooting, narun si Lani Mercado. Wala itong taping ng Twin Hearts. "Napakapogi naman ni Captain Barbel," sey nito habang pinapanood ang mga rushes ng pelikula. "Proud ako at asawa ko si Captain Barbel," pagmamalaki pa nito.
Sey nga namin, "Ogie da Pogi meets Alyas Pogi".
Ikinatuwa ni Bong na hindi siya nagkamali sa ginawa niyang mga pagdidiyeta sa pagkain. Ipinagmamalaki pa nito ang kanyang sikreto ay ang pagkain lamang ng nilagang itlog at nilagang kamote araw-araw. Halos ito na lang yata ang laman ng kotse niya tuwing shooting.
Di pa tapos sa shooting si Bong. Naghahabol siya ng schedule dahil nagti-taping pa rin ito ng Idol Ko Si Kap. Idagdag pa ang pag-alis nito para sa tatlong araw na pagbisita sa California sa kanyang courtesy call kay Arnold Schwarzenegger. Pagbalik naman nito ay sasabak na siya sa mga parada sa Pampanga, Metro Manila,Cebu at sa iba pang panig ng bansa.
Natapos na ni Ogie Alcasid ang "Sa Piling Mo" na aawitin ni Regine Velasquez at idu-duet nila bilang original theme song ng pelikula. Boni A. Casiano

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended