Alessandra sa Italy magba-Bagong Taon

Iniyakan ni Alessandra de Rossi ang break up nila ni Oyo Boy Sotto. Walang umamin sa kanilang dalawa sa four months nilang relasyon, pero pinag-usapan ang kanilang paghihiwalay a week after their four month.

A few weeks after the separation, nagkabalikan ang dalawa.

Mahal daw talaga ni Alessandra si Oyo Boy.

Katulad ng pelikulang Munting Tinig na kasalukuyang ipinalalabas sa Canada and some parts of the United States, maganda rin ang feedback sa pelikulang Homecoming, both films directed by Gil Portes. This film is an entry to the forthcoming MMFF-2003.

Bukod sa The Homecoming, tapos na rin ang Kidlat Ngayon nila ni Mikey Arroyo pero mukhang sa January 2004 na ito ipapalabas.

Abala siya ngayon sa three times-a-week taping ng bagong soap opera ng Siyete, kung saan gaganap siyang anak nina Christopher de Leon at Alice Dixson. Lorna Tolentino is also part of the main cast. Aalis si Alex on December 28 papuntang Italy. She’ll spend New Year sa piling ng ina, ama at dalawang kapatid na babae, hindi nila kasama si Assunta. Babalik siya kasama na si Mommy Nette on January 10, 2004. Ben Dela Cruz

Show comments