May kapansanan,pwede sa Miss Silka 2004?

May gagawing beauty search ang Cosmetique Asia, ang gumagawa ng mga produktong Silka na may dalawang taon na sa market. Ito rin ang produkto na iniendorso ni John Lloyd Cruz. Ito ang Search For Miss Silka 2004 na opisyal na magsisimula sa Disyembre 1 at matatapos sa isang grand pageant sa Abril 23, 2004.

Bukas ang pakontes sa lahat ng Pinay, may edad 18 hanggang 24, may fair complexion, may taas na 5’3", may good moral character at nasa kolehiyo o graduate na.

Magpadala lamang ng biodata na may kalakip na isang label o karton ng ano mang Silka product sa Search For Miss Silka 2004 c/o PBS Advertising, Dolmar Bldg., 1122 Perez St. cr. UN Ave., Paco, Manila. Samahan ito ng isang 3R close up photo at isang 4R full body photo, parehong in color at vital statistics na may kasamang height at weight ng kandidato.

Ayon sa Cosmetique Asia, maaring sumali ang may kapansanan provided taglay nila ang lahat ng requirements na hinihingi.

May apat na qualifications rounds na kung saan ay kukuha ng 20 kandidato at pagkatapos ng interview ay pipili ng 3 para makasama sa 12 finalists na maglalaban para sa title. Sa mga taga-Luzon, Visayas at Mindanao, bibigyan sila ng libreng 2 way transportation fare at one night hotel accommodation.
*****
Sayang at hindi na matutupad ni Shaina Magdayao ang pangarap niyang maging isang pediatrician, isang doktor ng mga bata, sapagkat hindi na ito ipinahihintulot ng kanyang napaka-busy sked. Kung sakali ay kukuha na lamang siya ng kursong child psychology sa college, ang kursong pinaka-malapit sa pagiging isang doktor ng mga bata. Sa ngayon ay nasa ikalawang taon siya ng high school sa Our Lady of Grace Montessori.Kabi-birthday lamang niya nung Nov 6. Fourteen na siya at malaki ang tsansa na mas lumaki pa ang pangalan sa daigdig ng local showbiz.

Nasa pangangalaga siya ngayon ng
ABS CBN.
*****
Matapos, kumita sa takilya ang kanyang unang pelikula, ang Mr. Suave ng Star Cinema, naghahanda na si Vhong Navarro para sa promo ng Gagamboy, ang kanyang launching movie sa Regal Films at entry sa darating na MMFFP. Kapareha niya rito si Aubrey Miles na pinag-aawayan nila ng mahigpit ni Jay Manalo na siyang gumaganap bilang Ipisman, ang kalabang mortal ni Gagamboy.
*****
Mamayang gabi na ang major concert ni Yamani sa CCP, ang I Am Woman...Yamani @ the CCP. May isang gabi pa ito sa Disyembre 2 na kung saan ay muli niyang makakasama sina Calvin Millado, Gladys Guevarra at the Whiplash Dancers.

Si Yamani na iniidolo sina
Lani Misalucha, Regine Velasquez at Verni Varga ay nagsisimula nang makilala dahilan sa kanyang talino sa pagkanta.
***

Tingnan mo nga naman at walang katakut-takot si Aiai delas Alas na makipag-sabayan sa Queen of Concerts na si Pops Fernandez sa isang konsyerto sa The Klownz Araneta Center bukas, Nob. 24.

Kung sabagay, ikatlong Lunes na niya itong ginagawa, Nung Nob. 3 ay sina Ogie Alcasid, Bayani Agbayani at Diana Zubiri ang hinamon niya. Nob. 10, sina Arnell Ignacio, Allan K at Janno Gibbs ang sinabayan niya. Nakasama rin dito ang ex niya na si Miguel Vera at mga kapatid niya sa Backroom na sina Ariel at Dessa. Ngayong Lunes nga, bukod kay Pops, kasama uli si Miguel at Randy Santiago.

"Hindi naman siguro ako pakakainin ng alikabok ni Pops sa stage, ano sa palagay mo? Magkaiba naman kami, di ba? Concert Queen siya, Comedy Concert Queen naman ako, charrringgg!. Mura lang naman ang tiket, P1000 at masusulit naman ang gabi n’yo," ani Aiai.

Kinakabahan si Aiai na baka kung anong sorpresa na naman ang gawin ng kanyang stafff sa concert. Last Monday, naloka siya nang may lumabas na 2 macho dancer na naka-brief lang.

Show comments