Matapang,nakakapaso ang 'Hot Stuff'!

By the time na binabasa nyo ito ay baka nakalabas na sa mga news and magazine stands ang babasahing Hot Stuff. Isa itong glossy magazine na may 60 glossy pages na nagtatampok ng mga makukulay, in four colors, and never before seen sexy photos ng hindi lamang siyam kundi 13 Viva Hot Babes – ang mga kilala nang sina Maui Taylor, Katya Santos, Jen Rosendahl, Myles Hernandez, Andrea del Rosario, Gwen Garci, Hazel Cabrera, Kristine Jaca at ang mga nagpapakilala pang sina Asia Agcaoili, Ella V., Anna Leah, Sheree at Jaycee.

Nakunan ng mga kamera nina Xander Angeles at Edwin Tuyay ang 13 na magagandang babae in total nudity o kaya naman ay suot ang kanilang undergarments mula sa Bench Bodies.

Dinaig pa ng Hot Stuff ang unang inilabas na VCD ng Viva Hot Babes na kung saan ay makikita silang naglalaro sa isang resort pero hubad lamang ang mga pang-ibabaw na bahagi ng kanilang mga katawan samantalang dito sa Hot Stuff talagang hubo’t hubad na sila at nakaharap pa sa camera. At walang pakundangan na iniaarte ang kanilang most intimate sexual fantasies. Maski na si Maui, na tinatakaw lamang ang mga manonood sa kanilang mga palabas ay walang habas na nagpamalas ng kanyang kabuuan sa mga mambabasa ng Hot Stuff sa pitong-pahina ng nasabing babasahin.

Hindi tatakawin ng Hot Stuff ang mga mambabasa na ang hilig ng katawan ay makakita ang mga hubad na larawan ng mga magagandang babae. Wala itong mahahabang artikulo na uubos ng espasyo at magpapaliit ng mga larawan ng Hot Babes. Sa Hot Stuff, the photos will tell the stories.
*****
My condolences to the family of the late Jose G. Burgos, Jr. whom I fondly called Tata, na ang labi ay nakaburol sa kanyang farm sa San Miguel Bulacan. Namatay ito sa prostrate cancer.

Bagaman at hindi kami naging magka-iskwela, mas nauna siya ng di hamak sa akin, pero naging magka-barkada kami, nagmistula siyang isang kuya sa aming tatlong magbi-best friends na sina
Carmelita Vicente, Malou Tronqued Mapa, lalo na nang mapangasawa niya si Edith, ang older sister ni Malou.

Thirty eight years ago na ito. Naka-graduate na kami ng Journalism sa
UST College of Philosophy & Letters (Philets) pero never kong makakalimutan kung paano niya kami ginabayang magkakaibigan, kung paano namin siya naging taga-pagtanggol at adviser. At kahit na bihira na kaming magkita, sa pamamagitan ng itinatag niyang Philets Alumni, maski once a year, nagkakaroon kami ng reunion.

I will miss Tata, hindi lamang dahilan sa kaibigan ko siya kundi dahilan sa kanyang tapang at walang takot na pakikibaka para maipaglaban ang kanyang paniniwala. Ang malaki at mahalagang ambag niya sa mundo ng panulat ay mahirap nang mapantayan. Hindi pa paalam, Tata, dahil alam ko, magkikita pa rin tayo.

Show comments