Oo, naging kontrobersyal nga ang kanyang statement, at hanggang sa budget hearing ng DOJ sa senado ay iyon ang itinatanong, pero lumalabas ngayon ang totoo na talagang mahina ang ebidensya laban kay Rod Strunk. Pinilit na ng DOJ na ipadala ang lahat ng mga kailangang ebidensya pero kulang talaga. Kaya mali rin iyong parang idinidiin na ni Torres si Strunk. Hindi pa siya nakakasiguro kung may makukuha ngang sapat na ebidensya kaya si Strunk ay nananatiling isang suspect lamang. Kung matigas man ang mga statement ni Torres, hindi naman kasi lihim na hindi sila magkasundo talaga ng amain noong nabubuhay pa ang kanyang ina.
Matindi rin ang kahilingan niyang mag-resign si Wycoco, na para bang inilagay iyon sa NBI dahil lamang sa kaso ni Nida Blanca. Totoong nakakadismaya, dahil napakabagal ng NBI, kasi wala naman talagang makuhang diretsang testigo. Wala ring matibay na ebidensya na magdidiin talaga sa mga suspect maliban sa isang statement na binawi pa ni Philip Medel. Malaking kalokohan naman na mag-resign si Wycoco dahil lamang sa kaso ni Nida Blanca.
Kung kami ang tatanungin, dapat na matapos na talaga ang kasong iyan at maparusahan kung sino ang talagang may kasalanan. Pero ano ang malay ninyo, nasa tabi-tabi lang ang may kagagawan niyan at tatawa-tawa sa atin dahil baka may iba tayong napagbibintangan, samantalang nakakalaya sila.
Ganoon pa man nangako ang DOJ na muling maghaharap ng extradition case laban kay Strunk para mapilit siyang magbalik dito at harapin ang bintang nila.
Syempre, kailangang ma-neutralize iyan, kaya naman pinapayagan na ng Malacañang si Erap na magpunta sa US para ipagamot ang kanyang tuhod, at least hindi na siya makakapagkampanya pa para sa kumpare niya kung sakali. Simpleng arithmetic lang naman ang kailangan para maintindihan mo ang mga linya ng pulitika sa showbiz hindi ba?
Tapos malakas ang loob niyang magsabing hindi siya nagbubugaw?