Kailan magsasalita si Da King ?
November 21, 2003 | 12:00am
Hindi naging maingat sa kanyang pagbibigay ng statement si Kaye Torres, ang anak ng pinaslang na aktres na si Nida Blanca, nang hingin niyang mag-resign sa tungkulin si NBI Director Reynaldo Wycoco.
Oo, naging kontrobersyal nga ang kanyang statement, at hanggang sa budget hearing ng DOJ sa senado ay iyon ang itinatanong, pero lumalabas ngayon ang totoo na talagang mahina ang ebidensya laban kay Rod Strunk. Pinilit na ng DOJ na ipadala ang lahat ng mga kailangang ebidensya pero kulang talaga. Kaya mali rin iyong parang idinidiin na ni Torres si Strunk. Hindi pa siya nakakasiguro kung may makukuha ngang sapat na ebidensya kaya si Strunk ay nananatiling isang suspect lamang. Kung matigas man ang mga statement ni Torres, hindi naman kasi lihim na hindi sila magkasundo talaga ng amain noong nabubuhay pa ang kanyang ina.
Matindi rin ang kahilingan niyang mag-resign si Wycoco, na para bang inilagay iyon sa NBI dahil lamang sa kaso ni Nida Blanca. Totoong nakakadismaya, dahil napakabagal ng NBI, kasi wala naman talagang makuhang diretsang testigo. Wala ring matibay na ebidensya na magdidiin talaga sa mga suspect maliban sa isang statement na binawi pa ni Philip Medel. Malaking kalokohan naman na mag-resign si Wycoco dahil lamang sa kaso ni Nida Blanca.
Kung kami ang tatanungin, dapat na matapos na talaga ang kasong iyan at maparusahan kung sino ang talagang may kasalanan. Pero ano ang malay ninyo, nasa tabi-tabi lang ang may kagagawan niyan at tatawa-tawa sa atin dahil baka may iba tayong napagbibintangan, samantalang nakakalaya sila.
Ganoon pa man nangako ang DOJ na muling maghaharap ng extradition case laban kay Strunk para mapilit siyang magbalik dito at harapin ang bintang nila.
Talaga palang tatakbo bilang presidente si FPJ. Iyan ang sinabi ng mga kasama nila sa partido at nakahanda raw iyong dumaan sa proseso ng pamimili ng kandidato, pero si Da King mismo wala pang statement.
Syempre, kailangang ma-neutralize iyan, kaya naman pinapayagan na ng Malacañang si Erap na magpunta sa US para ipagamot ang kanyang tuhod, at least hindi na siya makakapagkampanya pa para sa kumpare niya kung sakali. Simpleng arithmetic lang naman ang kailangan para maintindihan mo ang mga linya ng pulitika sa showbiz hindi ba?
Sinasabi ng isang talent manager na hinding-hindi raw siya nagbubugaw ng kanyang mga alagang cheapy-cheapy bold stars. Pero alam na alam niya ang detalye at presyuhan sa mga bugawan. Natatandaan namin noon, sinabi pa nga niya sa amin na siya ang nagpakilala sa isang female bold star sa isang Japanese businessman. Nakaaway din siya ng isa pang malasadong reporter dahil sa porsyento sa bugawan.
Tapos malakas ang loob niyang magsabing hindi siya nagbubugaw?
Oo, naging kontrobersyal nga ang kanyang statement, at hanggang sa budget hearing ng DOJ sa senado ay iyon ang itinatanong, pero lumalabas ngayon ang totoo na talagang mahina ang ebidensya laban kay Rod Strunk. Pinilit na ng DOJ na ipadala ang lahat ng mga kailangang ebidensya pero kulang talaga. Kaya mali rin iyong parang idinidiin na ni Torres si Strunk. Hindi pa siya nakakasiguro kung may makukuha ngang sapat na ebidensya kaya si Strunk ay nananatiling isang suspect lamang. Kung matigas man ang mga statement ni Torres, hindi naman kasi lihim na hindi sila magkasundo talaga ng amain noong nabubuhay pa ang kanyang ina.
Matindi rin ang kahilingan niyang mag-resign si Wycoco, na para bang inilagay iyon sa NBI dahil lamang sa kaso ni Nida Blanca. Totoong nakakadismaya, dahil napakabagal ng NBI, kasi wala naman talagang makuhang diretsang testigo. Wala ring matibay na ebidensya na magdidiin talaga sa mga suspect maliban sa isang statement na binawi pa ni Philip Medel. Malaking kalokohan naman na mag-resign si Wycoco dahil lamang sa kaso ni Nida Blanca.
Kung kami ang tatanungin, dapat na matapos na talaga ang kasong iyan at maparusahan kung sino ang talagang may kasalanan. Pero ano ang malay ninyo, nasa tabi-tabi lang ang may kagagawan niyan at tatawa-tawa sa atin dahil baka may iba tayong napagbibintangan, samantalang nakakalaya sila.
Ganoon pa man nangako ang DOJ na muling maghaharap ng extradition case laban kay Strunk para mapilit siyang magbalik dito at harapin ang bintang nila.
Syempre, kailangang ma-neutralize iyan, kaya naman pinapayagan na ng Malacañang si Erap na magpunta sa US para ipagamot ang kanyang tuhod, at least hindi na siya makakapagkampanya pa para sa kumpare niya kung sakali. Simpleng arithmetic lang naman ang kailangan para maintindihan mo ang mga linya ng pulitika sa showbiz hindi ba?
Tapos malakas ang loob niyang magsabing hindi siya nagbubugaw?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 7, 2025 - 12:00am