Assunta sa New York bibili ng gown!
November 20, 2003 | 12:00am
Disappointed ako sa The Correspondents last Monday night. Feeling ko, nagamit lang ang programa ng mga kalaban ni Gov. Lito Lapid ng Pampanga sa pulitika. Actually, hindi ko naman kilala si Mr. Lapid pero parang napaka-unfair dahil wala namang proof na naipakita ang programa na ninakaw nga niya sa kaban ng bayan ang ipinagawa niya ng mansion sa Porac, Pampanga.
Alam mong ang source ng story ay ang kalaban niya sa pulitika na ginawa pa nilang resource person. Paano magiging credible ang story kung ang kalaban ng ini-expose mo ang source ng story mo? Natural, galit siya, a certain Mr. Canlas dahil tinalo siya ni Mr. Lapid last election at malamang, sila uli ang mag-tunggali ni Lapid sa mayoral sa darating na election.
Sayang yung episode dahil first time na nalaman ng sambayanan na mayaman pala si Gov. Lapid na ayon sa kanya ay ang majority ng ipinagawa niya non ay galing sa kanyang pag-aartista noon pa.
Sana hindi na lang nila pinagsalita si Mr. Canlas na ang nakikita kong mission ay wasakin ang political career ni Mr. Lapid.
Personal opinion ko lang to based on what I saw sa presentation ng The Correspondents last Monday.
Ang dami rin naman diyang puwedeng imbestigahan na nasa posisyon na garapalan na ang pagnanakaw sa pamahalaan. Bakit hindi rin nila imbestigahan?
Naka-schedule magpunta ng New York ang mag-asawang Jules Ledesma and Assunta de Rossi. Doon kasi bibili ng wedding gown si Assunta para sa church wedding nila ng Kongresista sa darating na Marso.
Ayon kay Assunta, excited na siyang magpunta ng New York para mamili ng mga damit na gagamitin.
"Gusto ko yung medyo similar sa gown ng mother in law ko (mother of Jules)," she says.
Walang dapat pag-usapan sa kanila ng designer na si Frederick Peralta. Friends pa rin sila ng actress contrary sa ilang lumabas na intriga na originally siya ang tatahi ng gown ni Assunta pero nagkaroon daw sila ng problema ni Jules. Nagkaroon lang ng changes sa original plan kaya pupunta na lang sila ng NY. Kahit ang susuutin ni Jules ay doon na rin nila bibilhin.
At the end of the day, mari-realize mo na tama ang sinasabi ng ibang showbiz observer na dapat hindi pumapayag ang malalaki nating artista na maging dubber ng mga imported teleserye. Kasi kung lahat ay papayag, later on ganoon na lang ang magiging trabaho nila, dubber. Hindi na sila sasabihing actor or actress dahil boses na lang nila ang maririnig, hindi na sila makikitang umaarte.
Nagi-start na kasi ang ganitong trend. Sila Chin-Chin Gutierrez, Jestoni Alarcon, Ronaldo Valdez, among others minsan na silang nag-dub sa mga imported teleserye.
So ano pa nga namang mangyayari sa mga artista kung later on, ganoon ang magiging sistema?
Besides, kung ang mga imported telenovelas nga ang mas gusto ng majority of our televiewers, marami talagang mawawalan ng trabaho.
After daw kasi ng Mexican, Korean and Chinese telenovelas, Indian telenovelas ang papasok sa bansa. Meron daw isang agent na nakikipag-negotiate ngayon sa mga network para maipalabas na ang mga Indian telenovelas na ito.
Im sure magugustuhan din ito ng mga Filipino dahil magaganda ang mga Indian actors.
Ang Indian ang highest number na ginagawang movie every year. Kaya siguradong kaya nilang i-sustain ang demand in case na mag-succeed sa bansa ang mga ganoong palabas.
Its about time na mag-isip-isip tayo na paboran ang mga sariling produkto or else tuluyan nang mawawala ang local movie industry. Wala na tayong iintrigahin at aawayin. Gusto ba natin non? Of course not. Masaya ang showbiz, exciting and intriguing. Lahat tayo apektado kung ganoon ang mangyayari.
Kaya ngayon pa lang, i-educate na natin ang mga bata na tangkilikin ang sariling atin. Kahit na yung mga foreign concert artist natin, wag natin masyadong suportahan. Kinukuha lang nila ang mga dollars na kinikita ng mga kababayan natin na nagpapakahirap mag-trabaho sa ibang bansa.
Salve V. Asis e-mail - [email protected]/[email protected]
Alam mong ang source ng story ay ang kalaban niya sa pulitika na ginawa pa nilang resource person. Paano magiging credible ang story kung ang kalaban ng ini-expose mo ang source ng story mo? Natural, galit siya, a certain Mr. Canlas dahil tinalo siya ni Mr. Lapid last election at malamang, sila uli ang mag-tunggali ni Lapid sa mayoral sa darating na election.
Sayang yung episode dahil first time na nalaman ng sambayanan na mayaman pala si Gov. Lapid na ayon sa kanya ay ang majority ng ipinagawa niya non ay galing sa kanyang pag-aartista noon pa.
Sana hindi na lang nila pinagsalita si Mr. Canlas na ang nakikita kong mission ay wasakin ang political career ni Mr. Lapid.
Personal opinion ko lang to based on what I saw sa presentation ng The Correspondents last Monday.
Ang dami rin naman diyang puwedeng imbestigahan na nasa posisyon na garapalan na ang pagnanakaw sa pamahalaan. Bakit hindi rin nila imbestigahan?
Ayon kay Assunta, excited na siyang magpunta ng New York para mamili ng mga damit na gagamitin.
"Gusto ko yung medyo similar sa gown ng mother in law ko (mother of Jules)," she says.
Walang dapat pag-usapan sa kanila ng designer na si Frederick Peralta. Friends pa rin sila ng actress contrary sa ilang lumabas na intriga na originally siya ang tatahi ng gown ni Assunta pero nagkaroon daw sila ng problema ni Jules. Nagkaroon lang ng changes sa original plan kaya pupunta na lang sila ng NY. Kahit ang susuutin ni Jules ay doon na rin nila bibilhin.
Nagi-start na kasi ang ganitong trend. Sila Chin-Chin Gutierrez, Jestoni Alarcon, Ronaldo Valdez, among others minsan na silang nag-dub sa mga imported teleserye.
So ano pa nga namang mangyayari sa mga artista kung later on, ganoon ang magiging sistema?
Besides, kung ang mga imported telenovelas nga ang mas gusto ng majority of our televiewers, marami talagang mawawalan ng trabaho.
After daw kasi ng Mexican, Korean and Chinese telenovelas, Indian telenovelas ang papasok sa bansa. Meron daw isang agent na nakikipag-negotiate ngayon sa mga network para maipalabas na ang mga Indian telenovelas na ito.
Im sure magugustuhan din ito ng mga Filipino dahil magaganda ang mga Indian actors.
Ang Indian ang highest number na ginagawang movie every year. Kaya siguradong kaya nilang i-sustain ang demand in case na mag-succeed sa bansa ang mga ganoong palabas.
Its about time na mag-isip-isip tayo na paboran ang mga sariling produkto or else tuluyan nang mawawala ang local movie industry. Wala na tayong iintrigahin at aawayin. Gusto ba natin non? Of course not. Masaya ang showbiz, exciting and intriguing. Lahat tayo apektado kung ganoon ang mangyayari.
Kaya ngayon pa lang, i-educate na natin ang mga bata na tangkilikin ang sariling atin. Kahit na yung mga foreign concert artist natin, wag natin masyadong suportahan. Kinukuha lang nila ang mga dollars na kinikita ng mga kababayan natin na nagpapakahirap mag-trabaho sa ibang bansa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am