Nahihirapan ang staff dahil nagkaroon naman ng malaking bahagi si Dolphy sa buhay ni Ness.
Nanghihinayang ang mga staff dahil malaki nga namang kakulangan kung walang bahagi si Dolphy sa istorya pero wala silang magawa kundi irespeto ang kahilingan nito.
Kung hindi sana nagkaroon ng aberya ay baka sa unang linggo ng Disyembre mapapanood ang buhay ni Alma sa said program.
Type ni Chynna ang kanyang role sa Mano Po 2 bilang Filipino girlfriend ni Richard Gutierrez.
Inamin nito na kahit magka-loveteam sila ni Richard ay hindi naman sila na-develop sa isat isa. "Type ko ang mestiso pero talagang hindi kami na-in love, mutual admiration lang kami sa isat isa. Hindi ko ma-explain bastat close kami," sey pa nito.
Manager pala nito si Annabelle Rama pagdating sa pelikula at GMA Talent Center pagdating sa mga TV guesting.
Nagkakaisa sa pagsasabi ang lahat including Ara Mina na nainterbyu ko kamakailan lang na si Boyet de Leon ang paborito nito dahil ayon sa kanya, bukod kasi sa magaling itong umarte ay napakabango at napakalinis pa sa katawan. "Imagine, talo pa nga ako nito dahil matapos kumain ay takbo agad ito sa banyo at nagsesepilyo agad. Magsesepilyo uli ito kapag magsisimula na ang take," sey ng aktres.
Four days kung magtaping si Angel kaya may natitira pang three days para tumanggap ng mga out-of-town shows. May balita ngang isasama siya sa isang sitcom.
Bukod sa soap opera na Sanay Wala Nang Wakas ay may special song and dance number ito sa ASAP Mania.
Sa sobrang busy sa commitment ay halos hilahin na ni Angel ang pagdating ng Kapaskuhan dahil pupunta uli sila ng buong pamilya sa Japan para doon ipagdiwang ang kapanganakan ni Kristo. Ang kanyang ina ay nasa Austria.