Sinadya ng Pilipino Star Ngayon si Rufa Mae sa shooting ng Captain Barbell. Inalam namin kung bakit at ano ang ginawa niya sa Dos at sa The Buzz. Aniya, "Guest host lang ako ni Tito Boy. Hindi ba siya yung manager ko? Tapos kaming tatlo, si Aiai, si Gretchen at ako ang mga top stars talents na hinahawakan niya. So, di ako makahindi sa manager ko. Then, nagpaalam naman kaagad ako sa mga taga-Siyete and pinayagan naman nila ako. Kaya hayun, nag-apir ako," sey ni Rufa Mae.
"Inuulan nga ako ng tawag habang nandun ako sa The Buzz," pagmamalaking kwento ni Rufa Mae.
Marami ang natuwa kay Rufa Mae dahil magaling na itong mag-host. Malaking tulong daw sa kanya ang pagiging mainstay sa SOP Rules. "Actually, dream ko nga na magkaroon ako ng sarili kong showbiz talk show. Pinagmamalaki pa nito yung ginawa niyang paghu-host sa Inday! Heart-to-Heart. Aniya, naging katuparan iyon ng kanyang mga pangarap.
Sinabi pa ni Rufa Mae na type niyang mag-take over sa programa ni Inday. Kaya lang wala siyang koneksyon kay Kitchie Benedicto o sa KB Entertainment para kausapin sila.
"Sa tingin ko kasi, mas bagay sa akin yung ganung concept!" sey pa ni Rufa Mae.
Kabilaan pala ang mga ginagawa nitong pelikula, ang Captain Barbell para sa Premiere Productions at Boobita Rose, Masikip sa Dibdib. Bukod pa ang pagiging mainstay sa Idol Ko Si Kap at Bubble Gang.
"Nine days na lang at tapos na ang shooting ng Captain Barbell. Minamadali na namin dahil binabalak ko kasing sa Los Angeles mag-Pasko," pagtatapos pa ni Rufa Mae. Boni A. Casiano