Sa episode bukas, Ogie plays himself. Ang mahusay na batang komedyante na si Ketchup Eusebio ang gaganap na young Ogie. "Ang husay ni Ketchup!" sabi ni Ogie sa nakita niyang pagganap ng bata sa kanyang role. "Hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanya. Baklang-bakla siya! Mas bakla pa sa akin!"
Hindi rin madali para kay Ogie ang umarte sa isang drama episode. "Buti na lang, Im portraying myself. Nakaka-tense! Para akong gumagawa ng pelikula. Pero madugo talaga ang Maalaala Mo Kaya! Ang husay ni Direk Malu (Sevilla)!
Ang isa sa pinaka-interesting na parte ng buhay ni Ogie ay ang pagkakaroon niya ng asawa at anak. It would be interesting to know kung paano nabuo ang romansa niya with Georgette, ang asawa niya. Personal choice ni Ogie si Diana Zubiri para gumanap na asawa niya.
May special participation din si Tita Cristy Fermin sa episode. Si Tita Cristy ang mentor ni Ogie at instrumental kung bakit mayroong Ogie Diaz whose talent we are enjoying now.
Bilang preparasyon sa kanilang launching, hiningi ni Allan ang tulong ng inyong lingkod para tawagan ng pansin ang lahat ng fans ni Marc. Sa December ay hangad ni Allan na mabuo na ang club. Allan has also created a webpage and a yahoogroup para kay Marc.
Ang organisasyon ay naglalayong suportahn si Marc sa mga endeavors nito, tulad ng mga shows nito na Berks, Bastat Kasama Kita at Ang Tanging Ina at iba pang shows at pelikula.
Para sa mga detalye, pwede ninyong i-visit ang http://geocities. com/fuma092003/mypersonalpagemarc acueza.html o mag-member sa http://groups.yahoo.com/group/maracueza. Or e-mail ihanespiritu@ yahoo.com or you can text+639189123589.
Ang "Otso Otso" ay ang dance step na pinag-uusapan ngayon. Talaga namang nilalagnat ang bayan sa awiting ito. Kahit ang anak ko na si Emmanuel John (who is 3 years old at mga pamangkin na sina Carmela (7 years old) at Angelo (1 year old) ay marunong mag-"Otso Otso)".
Ginagamit na rin ang "Otso Otso" sa ibat ibang programa ngayon. Kahit sa mga acoustic lounge na pinupuntahan ko ay niri-request ang awitin. Isang gabi nga habang kasama ko ang mga kaibigan ko at nakikinig ng isang acoustic band, ni-request ang "Otso Otso". Ang nakakatuwa, prepared ang banda at tinugtog nila ito in the acoustic way. Ay, ang saya ng mga tao sa kanilang version.
Speaking of "Otso Otso" na-release na ito ng Star Records at available na in CDs and cassettes. Kasama rin sa album ang iba pang songs nina Aiai delas Alas, Mahal, Mura at iba pa.