Bumagay kay Diether ang kanyang role sa said teleserye. "Hindi na kasi bagay kay Diet ang pa-cute. Sa role niya, okey na okey siya. Bagay sa kanya yung mayabang ng konti," sabad naman ng isang fan.
"Kahit ako, gusto ko ang role ko. Plus the experience working with new stars sa soap. Nakakatrabaho ko na si Tin sa ASAP Mania pero iba sa drama. Masaya siyang katrabaho, masayahing tao," sabi naman ni Diether nang makausap ko.
Sa pagtatapos ng dalawang teleserye ng ABS-CBN, ang Kay Tagal Kang Hinintay at Darating Ang Umaga, base sa latest survey, nakupo na ngayon ng Sanay Wala Nang Wakas ang number one slot sa primetime teleserye. Timing lang talaga siguro ito dahil sa totoo lang, ako man ay nai-excite na panoorin ito. Gusto ko ngang batiin ang mga director nito na sina Jerome Pobocan at Erik Reyes dahil sa magagandang eksena na ating napapanood.
"Walang sasantuhin, lahat pwedeng maging victim," nangingiting sabi ni Carlos.
Ang Victim ay isang dating segment sa ASAP Mania kung saan mga hosts at guests ang nabibiktima. Dahil sa magandang feedback, the management of ABS-CBN thought of putting it into a full-length show.
Weekly ay mayroong special co-host si Carlos na makakatuwang niya sa pambibiktima. Hindi biro ang mag-put up ng ganitong klase ng show dahil kailangang nakaabang ang kamera sa mga lugar kung saan naroon ang kanilang bibiktimahin.
"Yeah, the cameras are everywhere. Kaya kailangan din, on the go ako kasi kailangang ma-witness ko ang mangyayari," sabi ni Carlos.
Ikinwento sa akin ni Carlos ang mga nagiging victims na niya at ako mismo ay tawa nang tawa kung paano nangyari yun. Na-excite ako na mapanood ang pilot episode ng Victim.
"Mahirap ang trabaho ko at ng staff ng show dahil hindi natin kilala kung pikon ba ang isang artista. Pero ganon talaga. Ang pikon talo. Hahaha!" sabi pa ni Carlos.
Sa party ni Deo Endrinal last week sa Elbow Room sa The Podium ay mayroon nang nabiktima. Na witness ko kung paanong ang isang singer na halos mapikon na sa pinaggagawa sa kanya. Natawa talaga ako. So, as not to preempt sa story, panoorin na lang natin ito sa Sabado.
Nagkaroon din ng tie up between Secosana and Charms & Crystal ni Ms. Joy Lim kung saan may ilang collection na may crystals embellishment. Tiyak na magugustuhan ito ng mga babaeng mahilig sa bag at crystals.
Very impressive ang audio-visual presentation kung saan ipinakita rin how Secosana has evolved. Sa katunayan, kamakailan ay ginawaran pala ito ng Asia-Pacific Excellence Award for Quality. Mayroon na rin silang website kung saan pwedeng magrehistro at mag-comment sa mga produkto ng Secosana. Ang URL ay www.secosana.com.ph. Naka-upload na ang mga bagong pictorial ni Claudine sa nasabing site na pwedeng i-download lalo na ng mga followers ng aktres sa ibang bansa.
Ito ang ikatlong taon ni Claudine bilang endorser ng Secosana Ladies Bag. Obviously, masaya si Claudine bilang endorser ng produkto. Ganito rin ang feelings nina Arlene at Dorothy Secosana, ang mga bigwigs ng kompanya.
"She embodies our product. Okey na okey si Claudine as an endorser," sagot ni Ms. Dorothy.
Nakatakdang magkaroon ng series of mall shows si Claudine ngayong November in line with the Holiday Season collection ng Secosana.