Isa pa, hindi kami naniniwala na minsan man ay nanligaw si Robin kay Juday, kasi noong gumawa sila ng pelikula, ang aktor pa nga ang nakiusap na kung pwede raw ay huwag lagyan ng love angle ang publisidad. Naiilang daw siya dahil sa isang pelikula niyang ginawa noon, lumabas na anak niya si Juday.
Kaya nga kahit na leading lady niya si Juday, ang tingin niya rito ay bata pa rin. Tapos ngayon bigla silang gagawa ng ganyang publisidad?
Marami rin namang nagpapatunay na sina Robin at Juday ay hindi magkasama at nasa dalawang magkahiwalay na lugar, noong araw na sinasabing kasama ng action star ang syota niyang dahilan nang paghiwalay sa kanya ng kanyang asawa.
Mabilis syempre ang kampo ni Juday. Lumabas agad ang manager niyang si Alfie Lorenzo para pasinungalingan ang tsismis ng mga parasites. Bakit nga ba naman papayagan niyang magamit ng ganoon na lamang si Juday?
Basta kung kami ang tatanungin, hindi kami naniniwala na may relasyon sina Robin at Juday, lalo pa nga at mga parasites lang naman ang nagsasabi noon.
Natuklasan ba nila kung talaga ngang nagkaroon ng anomalya sa pamimili ng mga nanalo sa Star Awards for TV? Nakapag-amend ba sila ng kanilang bylaws para sa susunod ay maparusahan na ang mga tatanggap ng lagay o yumayari ng kanilang awards? Maipagbabawal ba nila ang pagiging trabahador sa mismong network na binibigyan nila ng mga awards?
May mga tsismis na gusto ng female star na makipagbalikan pa sa aktor na sinasabi niyang siyang naka-devirginized sa kanya, na hindi naman daw, pero sa pagkakataong ito mukhang iyong lalaki pa nga ang nagmamalaki.