Di kapani-paniwala ang tsismis kina Binoe at Juday
November 14, 2003 | 12:00am
Iyang tsismis na nagsasabing si Judy Ann Santos ang dahilan ng paghihiwalay nina Robin Padilla at ng kanyang asawang si Liesel Sicangco ay gawa-gawa lamang ng mga parasites, na siguro ay gustong gumawa ng gimmick. Isipin mo nga naman, kung mangyayari ang ganyan, maraming magkaka-interest na panoorin sa TV ang tumatakbong serye nina Robin at Juday. Pero ganoon na ba karumi ang showbusiness? Kailangang gumawa pa ng istoryang may mag-asawang naghihiwalay para uminit na muli ang career nila? Mukhang wala naman yata sa ayos iyon.
Isa pa, hindi kami naniniwala na minsan man ay nanligaw si Robin kay Juday, kasi noong gumawa sila ng pelikula, ang aktor pa nga ang nakiusap na kung pwede raw ay huwag lagyan ng love angle ang publisidad. Naiilang daw siya dahil sa isang pelikula niyang ginawa noon, lumabas na anak niya si Juday.
Kaya nga kahit na leading lady niya si Juday, ang tingin niya rito ay bata pa rin. Tapos ngayon bigla silang gagawa ng ganyang publisidad?
Marami rin namang nagpapatunay na sina Robin at Juday ay hindi magkasama at nasa dalawang magkahiwalay na lugar, noong araw na sinasabing kasama ng action star ang syota niyang dahilan nang paghiwalay sa kanya ng kanyang asawa.
Mabilis syempre ang kampo ni Juday. Lumabas agad ang manager niyang si Alfie Lorenzo para pasinungalingan ang tsismis ng mga parasites. Bakit nga ba naman papayagan niyang magamit ng ganoon na lamang si Juday?
Basta kung kami ang tatanungin, hindi kami naniniwala na may relasyon sina Robin at Juday, lalo pa nga at mga parasites lang naman ang nagsasabi noon.
Mukhang naging ningas kugon lamang ang sinasabing imbestigasyon at pag-aayos ng nangyari sa Star Awards ng PMPC. Matapos ang ilang meeting ng mga dating presidente ng club, para sana papanagutin ang mga kasalukuyang opisyal sa ilang iregularidad na nababalita, nawala na lang iyon at sukat.
Natuklasan ba nila kung talaga ngang nagkaroon ng anomalya sa pamimili ng mga nanalo sa Star Awards for TV? Nakapag-amend ba sila ng kanilang bylaws para sa susunod ay maparusahan na ang mga tatanggap ng lagay o yumayari ng kanilang awards? Maipagbabawal ba nila ang pagiging trabahador sa mismong network na binibigyan nila ng mga awards?
Ngayon, sinasabi na ng isang action star, hindi na raw naman virgin ang isang female star nang makuha niya noong araw, at kung naanakan man daw niya ito dahil na rin sa kagustuhan nung babae na siya pa ngang sumusugod sa bahay ng lalaki.
May mga tsismis na gusto ng female star na makipagbalikan pa sa aktor na sinasabi niyang siyang naka-devirginized sa kanya, na hindi naman daw, pero sa pagkakataong ito mukhang iyong lalaki pa nga ang nagmamalaki.
Isa pa, hindi kami naniniwala na minsan man ay nanligaw si Robin kay Juday, kasi noong gumawa sila ng pelikula, ang aktor pa nga ang nakiusap na kung pwede raw ay huwag lagyan ng love angle ang publisidad. Naiilang daw siya dahil sa isang pelikula niyang ginawa noon, lumabas na anak niya si Juday.
Kaya nga kahit na leading lady niya si Juday, ang tingin niya rito ay bata pa rin. Tapos ngayon bigla silang gagawa ng ganyang publisidad?
Marami rin namang nagpapatunay na sina Robin at Juday ay hindi magkasama at nasa dalawang magkahiwalay na lugar, noong araw na sinasabing kasama ng action star ang syota niyang dahilan nang paghiwalay sa kanya ng kanyang asawa.
Mabilis syempre ang kampo ni Juday. Lumabas agad ang manager niyang si Alfie Lorenzo para pasinungalingan ang tsismis ng mga parasites. Bakit nga ba naman papayagan niyang magamit ng ganoon na lamang si Juday?
Basta kung kami ang tatanungin, hindi kami naniniwala na may relasyon sina Robin at Juday, lalo pa nga at mga parasites lang naman ang nagsasabi noon.
Natuklasan ba nila kung talaga ngang nagkaroon ng anomalya sa pamimili ng mga nanalo sa Star Awards for TV? Nakapag-amend ba sila ng kanilang bylaws para sa susunod ay maparusahan na ang mga tatanggap ng lagay o yumayari ng kanilang awards? Maipagbabawal ba nila ang pagiging trabahador sa mismong network na binibigyan nila ng mga awards?
May mga tsismis na gusto ng female star na makipagbalikan pa sa aktor na sinasabi niyang siyang naka-devirginized sa kanya, na hindi naman daw, pero sa pagkakataong ito mukhang iyong lalaki pa nga ang nagmamalaki.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
21 hours ago
By Salve Asis | 21 hours ago
21 hours ago
By Boy Abunda | 21 hours ago
21 hours ago
By Gorgy Rula | 21 hours ago
Recommended