Si Gary Valenciano na ang ikalawang gabi ng kanyang konsyertong XXtreme ay masasagasaan ng dalawa sa myembro ng F4, sina Jerry Yan at Vic Zhou. Malaki ang ibinayad para madala sila rito. Sana rin hindi nag-suffer ng husto ang talent fee ng mga local artists na susuporta sa kanila. Dahil sigurado, ang magdadala ng palabas ay ang mga local artists din na tulad nina Vina Morales, Aiai delas Alas at ang mga talents ng ABS CBN.
Ang ilan pang mga foreign acts na ngayon pa lamang ay inaabangan na ay sina Mariah Carey, Mandy Moore at Stephen Bishop.
Sana sa mga palabas nila ay mabigyan din ng pagkakataon ang mga local talents na makasama nila at hindi lamang bilang front act.
Dapat lamang siguro siyang magalit kung walang katotohanan ang dumarating na balita sa kanyang asawa sa Australia. Malayo na nga naman ang kanyang pamilya pero, inaabot pa rin ang mga ito ng gulo na hatid ng kanyang trabaho.
Unfair din ito sa babaeng sinasabing third party sa gulo nilang mag-asawa.
Tama lamang yung pasya niya na bago ang kanyang trabaho ay aalis muna siya para ayusin ang kanilang gulo. At para na rin palamigin ang init ng mga balita na siyang nagpapagulo sa kanyang buhay ngayon.
At isang payo lamang kay Binoe, naririto akong palagi para tumulong sa inyo in my capacity as president of the Actors Guild o kung hindi man, bilang isang kaibigan na gustong magmalasakit.
Balita ko ay marami na ang nagti-text sa kanya at nagpapalipad-hangin. Sana ay maging marunong siya sa buhay at huwag munang seryosohin ang mga ganitong bagay... Malayo pa ang mararating niya sa kanyang propesyon.
Masaya ang affair at napaupo ako sa isang table na kasama nina Celia Flor, Lilia Dizon, Delia Razon, Nita Javier, Marita Zobel at Caridad Sanchez. Kung napapansin nyo, mga LVN stars ito at ako naman ay taga-Sampaguita before pero, hindi ito naging hadlang para di kami maging magkakaibigan. Sana ganito rin ang mga artista ngayon, hindi magkakaaway, magkakaibigan lahat.