Maraming local artist ang nasasagasaan sa pagdating ng mga foeign singers
November 14, 2003 | 12:00am
Hindi lamang natin siguro napapansin dahil sa malabis nating paghanga sa mga foreign artists pero, malaki ang epekto ng pagpunta nila rito sa ating mga artista in particular at sa ating local showbiz in general.
Si Gary Valenciano na ang ikalawang gabi ng kanyang konsyertong XXtreme ay masasagasaan ng dalawa sa myembro ng F4, sina Jerry Yan at Vic Zhou. Malaki ang ibinayad para madala sila rito. Sana rin hindi nag-suffer ng husto ang talent fee ng mga local artists na susuporta sa kanila. Dahil sigurado, ang magdadala ng palabas ay ang mga local artists din na tulad nina Vina Morales, Aiai delas Alas at ang mga talents ng ABS CBN.
Ang ilan pang mga foreign acts na ngayon pa lamang ay inaabangan na ay sina Mariah Carey, Mandy Moore at Stephen Bishop.
Sana sa mga palabas nila ay mabigyan din ng pagkakataon ang mga local talents na makasama nila at hindi lamang bilang front act.
Nag-react ng di maganda si Robin Padilla sa ginawang paglabas ng kanyang asawang si Liesel sa TV at sa pagsasabing hihiwalayan na raw siya nito.
Dapat lamang siguro siyang magalit kung walang katotohanan ang dumarating na balita sa kanyang asawa sa Australia. Malayo na nga naman ang kanyang pamilya pero, inaabot pa rin ang mga ito ng gulo na hatid ng kanyang trabaho.
Unfair din ito sa babaeng sinasabing third party sa gulo nilang mag-asawa.
Tama lamang yung pasya niya na bago ang kanyang trabaho ay aalis muna siya para ayusin ang kanilang gulo. At para na rin palamigin ang init ng mga balita na siyang nagpapagulo sa kanyang buhay ngayon.
At isang payo lamang kay Binoe, naririto akong palagi para tumulong sa inyo in my capacity as president of the Actors Guild o kung hindi man, bilang isang kaibigan na gustong magmalasakit.
Habang lumalaki ay lalong gumaganda si Shaina Magdayao. Nasa Master Showman ito nung Sabado na kung saan ay nag-celebrate siya ng kanyang birthday. Di naman siguro siya pagagalitan ng ABS CBN na kung saan ay naka-kontrata siya dahil para na rin kaming isang pamilya. Ang older sister niya, si Shiela ay ina ng aking apat na apo at asawa ng anak kong si Freddie.
Balita ko ay marami na ang nagti-text sa kanya at nagpapalipad-hangin. Sana ay maging marunong siya sa buhay at huwag munang seryosohin ang mga ganitong bagay... Malayo pa ang mararating niya sa kanyang propesyon.
Ang saya-saya ng golden wedding anniversary nina Oscar at Myrna Obligacion. Umuwi ang mag-asawa from the States para dito ipagdiwang ang kanilang 50th wedding anniversary na ginanap sa isang lugar sa Ortigas. Naririto ang kanilang mga anak at sa halip na pumunta ang mga ito sa US, silang mag-asawa na lamang ang dumating. Napaka-ganda ng video na ginawa nito para sa kanilang mga magulang.
Masaya ang affair at napaupo ako sa isang table na kasama nina Celia Flor, Lilia Dizon, Delia Razon, Nita Javier, Marita Zobel at Caridad Sanchez. Kung napapansin nyo, mga LVN stars ito at ako naman ay taga-Sampaguita before pero, hindi ito naging hadlang para di kami maging magkakaibigan. Sana ganito rin ang mga artista ngayon, hindi magkakaaway, magkakaibigan lahat.
Si Gary Valenciano na ang ikalawang gabi ng kanyang konsyertong XXtreme ay masasagasaan ng dalawa sa myembro ng F4, sina Jerry Yan at Vic Zhou. Malaki ang ibinayad para madala sila rito. Sana rin hindi nag-suffer ng husto ang talent fee ng mga local artists na susuporta sa kanila. Dahil sigurado, ang magdadala ng palabas ay ang mga local artists din na tulad nina Vina Morales, Aiai delas Alas at ang mga talents ng ABS CBN.
Ang ilan pang mga foreign acts na ngayon pa lamang ay inaabangan na ay sina Mariah Carey, Mandy Moore at Stephen Bishop.
Sana sa mga palabas nila ay mabigyan din ng pagkakataon ang mga local talents na makasama nila at hindi lamang bilang front act.
Dapat lamang siguro siyang magalit kung walang katotohanan ang dumarating na balita sa kanyang asawa sa Australia. Malayo na nga naman ang kanyang pamilya pero, inaabot pa rin ang mga ito ng gulo na hatid ng kanyang trabaho.
Unfair din ito sa babaeng sinasabing third party sa gulo nilang mag-asawa.
Tama lamang yung pasya niya na bago ang kanyang trabaho ay aalis muna siya para ayusin ang kanilang gulo. At para na rin palamigin ang init ng mga balita na siyang nagpapagulo sa kanyang buhay ngayon.
At isang payo lamang kay Binoe, naririto akong palagi para tumulong sa inyo in my capacity as president of the Actors Guild o kung hindi man, bilang isang kaibigan na gustong magmalasakit.
Balita ko ay marami na ang nagti-text sa kanya at nagpapalipad-hangin. Sana ay maging marunong siya sa buhay at huwag munang seryosohin ang mga ganitong bagay... Malayo pa ang mararating niya sa kanyang propesyon.
Masaya ang affair at napaupo ako sa isang table na kasama nina Celia Flor, Lilia Dizon, Delia Razon, Nita Javier, Marita Zobel at Caridad Sanchez. Kung napapansin nyo, mga LVN stars ito at ako naman ay taga-Sampaguita before pero, hindi ito naging hadlang para di kami maging magkakaibigan. Sana ganito rin ang mga artista ngayon, hindi magkakaaway, magkakaibigan lahat.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended