Lady produ type ang isang member ng singing group
November 13, 2003 | 12:00am
Hiwalay na sa kanyang asawa ang magandang lady produ na ito kaya hanggang paghanga na lang ang nadarama niya sa kanyang mga talent. Nagiging paborito niya ang mga ito at pa-dinner-dinner lang sila.
Matindi ang crush niya sa isang myembro ng male singer na gwapo at malakas ang sex appeal.
Minsan ay nagpaimbita ang aking Boss na si Wilson Tieng ng isang celebrity na paborito ng kanyang kaibigang milyonarya na nakatira sa may tuktok ng Antipolo. Labis kaming humanga sa ganda ng mansion. Mayroon itong isang aviary na naglalaman ng mga ibon na galing pa sa ibang bansa. Dinarayo ito ng mga kilalang artista na mahilig sa mga ibon. Marami rin silang bumili ng ibon na ang pinakamahal ay umaabot sa P1M.
Napag-alaman ko na si Aga Muhlach pala ay libangan din ang mag-alaga ng mga ibon. Balak din nitong magpatayo ng aviary para sa alagang 80 birds na mula sa ibat ibang species.
Mabuti naman at kusa nang namatay ang isyung pinupukol ni Nadia Montenegro kay Gigi Malonzo matapos matsugi sa ere ang Nadia na ipinalabas sa IBC 13.
Para wala nang gulo ay sa Channel 5 na lang ipalalabas ang programa ni Gigi na Okay Ka Mom simula sa November 15, 10:30 ng umaga.
Bukod sa kanyang TV show, abala pa rin ang bagong TV host sa kanyang mga livelihood programs sa Caloocan bukod pa sa mga projects na nauukol sa pagpapaganda ng Caloocan City. Katunayan, malaki ang iginanda ng Monumento ni Andres Bonifacio kung saan ginagawan ito ng parke na ala-Japanese ang dating. Gandang-ganda kami sa matataas na ilaw with multicolored lights na nakahanay sa kahabaan ng kalye sa may Monumento.
Kailan naman kaya magsisimulang magsyuting si Nora Aunor ng Bituin, Buwan at Araw under Angora Films na ididirek ni Elwood Perez. Nang huli naming makausap si Direk ay sinabi nitong mid-November nila sisimulan ang pelikula na gagastusan ng husto ng prodyuser na si Atty. Gaudioso Manalo.
Matapos umalis sa poder ng dating manager na si Katrina Paula ay magku-quit na sana si Glorietta Magdalo (dating EmEm Orozco) ng showbiz at mag-Japan na lang. Pero nanghihinayang ang kanyang mga kaibigan dahil naniniwala silang sisikat din ito. Kaya naman nagpalit siya ng bagong manager sa katauhan ni Allen Cruz na nagha-handle ng kanyang career sa bagong pangalang Aliya Martel.
Napanood ko ang Liberated ng Seiko Films dahil kahit bold o sexy ang tema ay magaganda ang feedback na naririnig ko. Hindi ako nagtaka kung bakit mabilis na gumawa ng pangalan si Diana Zubiri dahil magaling itong umarte at hindi niya kailangang magpaka-OA lalo na sa eksenang nagwawala sa kwarto o sabik sa paghahanap ng ligaya sa ibat ibang lalaki. Kahit dito inilunsad sa pagiging star ng Seiko si Francine Prieto ay kay Diana pa rin umikot ang istorya tungkol sa isang liberated woman na ang hanap ay mag-enjoy pero kinitil pa rin ang sariling buhay dahil hindi pa rin makamtan ang tunay na ligaya.
Shocked ako sa papel na ginampanan ni Rodel Velayo na isang bading. Pangarap naman ng ilang aktor gaya ni Gardo Versoza na makalabas sa ganitong role dahil challenging kaya walang dapat ikabahala ang sexy actor kung nabigyan siya ng ganitong klase ng papel na gagampanan. Kaya lang sana huwag naman siyang ma-typecast sa role na ito lalo na at may mga baguhang mukha ang Seiko na gusto nilang pasikatin gaya ni Dante Balboa o Reggie Curly.
Bumigay na rin sa wakas si Francine bilang bold star dahil maraming maiinit na eksena ito sa movie at breast exposure. Sabi nga ng katabi ko ay paano kaya ito nagawa ng isang wholesome na Ana Marie Falcon na sumali pa sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant at kilalang fashion model? Kunsabagay ang pagiging bold star ang ginagamit na stepping stone ng mga artista para sumikat ng husto gaya nina Priscilla Almeda, Rosanna Roces, Gretchen Barretto at Diana Zubiri ay may bagong pasisikatin ang Seiko sa katauhan ni Francine.
Matindi ang crush niya sa isang myembro ng male singer na gwapo at malakas ang sex appeal.
Napag-alaman ko na si Aga Muhlach pala ay libangan din ang mag-alaga ng mga ibon. Balak din nitong magpatayo ng aviary para sa alagang 80 birds na mula sa ibat ibang species.
Para wala nang gulo ay sa Channel 5 na lang ipalalabas ang programa ni Gigi na Okay Ka Mom simula sa November 15, 10:30 ng umaga.
Bukod sa kanyang TV show, abala pa rin ang bagong TV host sa kanyang mga livelihood programs sa Caloocan bukod pa sa mga projects na nauukol sa pagpapaganda ng Caloocan City. Katunayan, malaki ang iginanda ng Monumento ni Andres Bonifacio kung saan ginagawan ito ng parke na ala-Japanese ang dating. Gandang-ganda kami sa matataas na ilaw with multicolored lights na nakahanay sa kahabaan ng kalye sa may Monumento.
Shocked ako sa papel na ginampanan ni Rodel Velayo na isang bading. Pangarap naman ng ilang aktor gaya ni Gardo Versoza na makalabas sa ganitong role dahil challenging kaya walang dapat ikabahala ang sexy actor kung nabigyan siya ng ganitong klase ng papel na gagampanan. Kaya lang sana huwag naman siyang ma-typecast sa role na ito lalo na at may mga baguhang mukha ang Seiko na gusto nilang pasikatin gaya ni Dante Balboa o Reggie Curly.
Bumigay na rin sa wakas si Francine bilang bold star dahil maraming maiinit na eksena ito sa movie at breast exposure. Sabi nga ng katabi ko ay paano kaya ito nagawa ng isang wholesome na Ana Marie Falcon na sumali pa sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant at kilalang fashion model? Kunsabagay ang pagiging bold star ang ginagamit na stepping stone ng mga artista para sumikat ng husto gaya nina Priscilla Almeda, Rosanna Roces, Gretchen Barretto at Diana Zubiri ay may bagong pasisikatin ang Seiko sa katauhan ni Francine.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended