Naging madamdamin para kay Miriam ang pag-aasawa niya next year sa isang Italian businessman na nagngangalang Claudio, 34 na taong gulang at nagtatrabaho sa Hongkong. Look-alike daw ito sabi ni Miriam ni Jean Claude Van Damme pero, mas matangkad ito, may sense of humor at generous with his time and money." Isa siyang orphan na may pangarap na magkaroon ng isang buong pamilya. He calls me several times a day.
"We would be based in Hongkong. Siguro kung may offer dito ng trabaho, pwede akong umuwi," sey pa ng dating Miss Universe runner-up.
Walang duda si Miriam sa gagawin niyang pag-aasawa." Ipinagdasal ko ito. Hindi lamang siya ang nag-iisang nag-propose ng marriage sa akin. May isa pa rin akong kinonsider. Inilista ko ang mga katangian na hinahanap ko sa isang mapapangasawa. At the time, di ko pa gusto si Claudio. Pero, habang nagtatagal, lumabas yung mga katangian niya na nasa listahan ko.
"Para sa kanya, handa kong iwan ang aking pamilya, ang aking career at mga kaibigan to have a life with him. Hindi ko ito itinuturing na isang sakripisyo o pagpapakasakit dahil ito ang gusto ko, dahil mahal ko siya."
Ang All About You ay isang palabas ng Dove at GMA7 tungkol sa babae, ang kanyang mundo, sa loob at labas, from moment to moment.
Yung mga nakaraang episodes ay nagtampok sa mga private lives ng mga kilalang tao.
Bilang bagong host ng All About You, magagawa ni Miriam na mabigyan ng mas malawak na pananaw ang mga celebrity na pupuntahan niya sa kani-kanilang mga tahanan.
Magsisilbing highlight ng programa ang mga gagawin niyang paghahanda para sa nalalapit niyang kasal. Mag-i-interview din siya ng mga babae na nakatagpo na ng kanilang fulfillment at kontento na sa kanilang buhay, mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano hanggang sa mga beauty queens na sina Joanne Quintas, Vida Doria, Sarah Jane Paez at ang mga women-on-the-go na sina Pia Guanio, Kara David at Leila Kuzman.
Maswerte si Miriam sapagkat natapat sa kanya ang pinaka-masasayang seasons gaya ng Christmas, New Year at Valentines Day.
Oo nga naman, bakit ba kung ano ano ang ginagawang flavor ng Coke gayong mas marami ang may gusto ng orihinal na lasa?
Minsan naman yung canteen sa loob ng Sampaguita Studio, Mirinda lamang ang tinda. Okay lang paborito ko rin ito. Kaso mo, napaka-transparent ng kulay. Kala mo tuloy wala nang orange at puro na lang tubig ang laman. Ganun din yun Blue Pepsi na isip mo ay tubig lamang na nilagyan ng kaunting tina. Di ba pwedeng ibalik ang Mirinda sa dati nitong kulay? Please lang, paborito ko ito dati pero, yung nabili ko parang ayaw kong inumin.