^

PSN Showbiz

Miriam,iiwan ang pamilya,career at mga kaibigan para manirahan sa HK

- Veronica R. Samio -
Nabasag ang tinig ni Miriam Quiambao, at tuluyan na siyang napaiyak sa presscon na ibinigay ng GMA 7 para sa programang All About You na siya ang magsisilbing ika-apat na host simula sa Nob. 16, Linggo, 11:00 ng umaga for one season. Nauna na sa kanya sina Lucy Torres Gomez, Dawn Zulueta at Mikee Cojuangco.

Naging madamdamin para kay Miriam ang pag-aasawa niya next year sa isang Italian businessman na nagngangalang Claudio, 34 na taong gulang at nagtatrabaho sa Hongkong. Look-alike daw ito sabi ni Miriam ni Jean Claude Van Damme pero, mas matangkad ito, may sense of humor at generous with his time and money." Isa siyang orphan na may pangarap na magkaroon ng isang buong pamilya. He calls me several times a day.

"We would be based in Hongkong. Siguro kung may offer dito ng trabaho, pwede akong umuwi," sey pa ng dating Miss Universe runner-up.

Walang duda si Miriam sa gagawin niyang pag-aasawa." Ipinagdasal ko ito. Hindi lamang siya ang nag-iisang nag-propose ng marriage sa akin. May isa pa rin akong kinonsider. Inilista ko ang mga katangian na hinahanap ko sa isang mapapangasawa. At the time, di ko pa gusto si Claudio. Pero, habang nagtatagal, lumabas yung mga katangian niya na nasa listahan ko.

"Para sa kanya, handa kong iwan ang aking pamilya, ang aking career at mga kaibigan to have a life with him. Hindi ko ito itinuturing na isang sakripisyo o pagpapakasakit dahil ito ang gusto ko, dahil mahal ko siya."

Ang All About You ay isang palabas ng Dove at GMA7 tungkol sa babae, ang kanyang mundo, sa loob at labas, from moment to moment.

Yung mga nakaraang episodes ay nagtampok sa mga private lives ng mga kilalang tao.

Bilang bagong host ng All About You, magagawa ni Miriam na mabigyan ng mas malawak na pananaw ang mga celebrity na pupuntahan niya sa kani-kanilang mga tahanan.

Magsisilbing highlight ng programa ang mga gagawin niyang paghahanda para sa nalalapit niyang kasal. Mag-i-interview din siya ng mga babae na nakatagpo na ng kanilang fulfillment at kontento na sa kanilang buhay, mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano hanggang sa mga beauty queens na sina Joanne Quintas, Vida Doria, Sarah Jane Paez at ang mga women-on-the-go na sina Pia Guanio, Kara David at Leila Kuzman.

Maswerte si Miriam sapagkat natapat sa kanya ang pinaka-masasayang seasons gaya ng Christmas, New Year at Valentine’s Day.
* * *
Nagalit ang asawa ko dahil nagpabili siya sa akin ng regular Coke. Ayaw niya ng Vanilla Coke dahil masyado raw matamis. Nahirapan akong maghanap dahil ang grocery na pinuntahan ko ay parang walang regular Coke. O baka naman talaga silang hindi kumuha para maubos yung napakarami nilang stock ng Vanilla Coke. Iniwasan ko talaga yung may mga gintong linya na disenyo ng Vanilla Coke. Ang hindi ko alam, mayro’n na rin palang Cherry Coke at ito ang nakuha ko na inayawan din ng mister ko dahil iba na raw ang lasa. Sanay na talaga siya sa lasa ng regular Coke. Kung pwede nga lang. mas gusto niya yung nasa original na bottle dahil yun daw ang lasang-lasa ng Coke.

Oo nga naman,
bakit ba kung ano ano ang ginagawang flavor ng Coke gayong mas marami ang may gusto ng orihinal na lasa?

Minsan naman yung canteen sa loob ng
Sampaguita Studio, Mirinda lamang ang tinda. Okay lang paborito ko rin ito. Kaso mo, napaka-transparent ng kulay. Kala mo tuloy wala nang orange at puro na lang tubig ang laman. Ganun din yun Blue Pepsi na isip mo ay tubig lamang na nilagyan ng kaunting tina. Di ba pwedeng ibalik ang Mirinda sa dati nitong kulay? Please lang, paborito ko ito dati pero, yung nabili ko parang ayaw kong inumin.

vuukle comment

ALL ABOUT YOU

BLUE PEPSI

CHERRY COKE

CLAUDIO

COKE

DAHIL

VANILLA COKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with