Suot ni Shaina ang isang black gown. Kasama ni Shaina na nag-aasikaso ng guests ang kanyang mga magulang, sina Mommy Deanna at Daddy Enrique Magdayao at syempre, ang ever-loyal na nanay-nanayan na si Nanay Vi. Karamihan sa mga guests ni Shaina ay mga classmates niya, kasamahan sa Talent Center at mga artistang nakatrabaho sa TV show at pelikula.
Unang dumating ang cast ng Berks na sina Carlo Aquino Marc Acueza, Cholo Barretto, Ketchup Eusebio, Sarah Christopher at Karel Marquez. Dumating din sina Camille Prats, John Prats, Bea Alonzo, Emman Abeleda, Mico Aytona, Melissa Avelino at Nikki Valdez. Syempre, hindi pwedeng mawala ang special guest niyang si Alwyn Uytingco. All-eyes ang lahat nang dumating si Alwyn. Iisa ang naging reaksyon ng lahat ng nasa venue, "Bagay na bagay talaga sina Shaina at Alwyn."
Nakita ko sa mukha ni Shaina ang kaligayahan dahil sa magandang pangyayari sa kanyang career at makitang masaya ang kanyang pamilya.
This I want to say. Isa si Shaina sa pinakamabait na batang artistang nakilala ko. Kaya sa kanyang kaarawan, dalangin ko ang kanyang kaligayahan at good health para sa kanya at sa kanyang pamilya.
"Noong Friday, nagti-taping ako ng Tanging Ina, bigla akong nag-worry kasi hindi tumatawag si Mommy o si Daddy. Normally, from time to time, tumatawag sila to check how I am. Kaya ako na ang tumawag. Nalaman ko na ni-rush si mommy sa nearby hospital kasi na-stroke nga. Wala akong choice but to rush to the hospital. Pinayagan naman ako ni Direk Wenn (Deramas) na umalis," malungkot na kwento ni Nikki.
Ayon kay Nikki, nagri-respond naman daw si Mommy Norma kapag pinipisil ang kamay at nakakakilala pero hindi ito makapagsalita.
"Ang hirap kapag maysakit ang isang member ng family, tapos mother mo pa. Kaya nga nahihirapan ako to mingle with people. Very obvious kapag may dinaramdam ako e," kwento pa ni Nikki.
Hindi nagtagal si Nikki sa party. Bumati lang ito kay Shaina at umalis na.
Sa kanyang pahayag, may mga taong sinisisi si Robin kung bakit naging magulo ang sitwasyon nila ni Liesel. Mga tao raw na siyang nagpaparating ng tsismis kay Liesel (who is now staying in Australia with their 4 kids) ng maling balita. Sinisi rin niya ang asawa dahil mas naniniwala ito sa tsismis.
Ang higit na ikinagulat ko ay ang pahayag niya na kailangan na muna niyang magpaalam sa ABS-CBN (na itinuturing niyang pangalawang pamilya). Hindi na niya magagawang tapusin ang teleserye nila ni Judy Ann Santos, ang Bastat Kasama Kita.
"Kailangan ko pong ayusin ang pamilya ko. Paumanhin sa ABS-CBN. Pero pangako ko, kapag maayos na ang lahat, yung natitirang apat na buwan na kailangan kong pagtrabahuhan ay tatapusin ko," maluha-luhang sabi ni Robin.
Sa sumabog na balita sa paghihiwalay nina Robin at Liesel, ibat ibang bersyon ang naglalabasan. May mga taong nadadamay at may ilan na nakikisawsaw.
Sa pinagdadaanan niyang problema, hahangaan mo ang tapang ni Robin. Pati ang effort niya na hindi tuluyang mawasak ang kanyang pamilya. Dahil mabait na tao si Robin, dalangin ko na hindi tuluyang mawasak ang kanyang pamilya.